Chapter 52

1.9K 110 163
                                    


Chapter 52

Soundtrack: SPRING DAY BY BTS


The palpitation stops.

But my hands are still shaking. Sinubukan kong magsulat para ma-control ang panginginig. Hindi pa nga pala ako nakakapagsulat ng entry for this year.

Sadly, there are no pages left. Last page na pala ng notebook 'yong entry ko last December.

Naghanap ako ng panibagong notebook na pwede kong gawing journal, pero wala naman akong maisip isulat. Maraming nangyari sa simula nang taon ito, pero bakit wala akong maisulat?

Tinitigan ko ang mga kamay ko.

They don't want to write...

They want to draw and... paint.

Napalunok ako at naghanap canvas sa ilalim ng study table ko.

Pero hindi canvas ang nakita ko.

Kundi si Cooky.

Ang sama ko kay Cooky, hiniwalay ko na siya sa squad niya, sinilid ko pa siya sa box at itinago. Ayoko kasing nakikita siya dahil lalo ko lang namimiss si Jacin.

I'm so sorry Cooky.

I hug the stuffed toy tight. "Hindi na kita itatago, makakasama mo na ulit ang squad mo."

Bago ko pa man siya nailagay sa kama kasama ang squad niya, nahagip ng tingin ko ang maliit na note na nakasabit sa leeg niya.

Cooky.

Jacin's handwriting. Hinawakan ko ang maliit na papel. Napakunot ang noo dahil may nakasulat pa pala sa likod nito.

Cooky loves June so much so please take care of him and don't let him go. Happy birthday.

Nahigit ko ang hininga ko. My heart feels like it's going to explode again. Bakit ngayon ko lang nakita itong nakasulat sa likod?

Binitawan ko ang maliit na papel dahil baka malukot ko ito sa lakas ng panginginig ng kamay ko.

Nang makita ko ang canvas, I unfold the stand para maibigay dito ang canvas. My hand reaches for the pencil at parang may sariling isip na kumilos ang mga kamay ko. Habol ko ang hininga, pero hindi ako tumigil. I reach for the paint next, ganadong-ganado ang mga kamay ko sa pag-stroke ng brush.


And the next thing I know, I'm already done.

Namiss ng mga kamay kong magpinta. At ang taong pinakanami-miss ko ang pininta nila.

I paint Jacin. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon