Chapter 23

1.8K 79 26
                                    


Chapter 23 - Daisy


- JUNE -


Umikot ako ng isa pang beses sa harap ng salamin matapos akong ayusan ni Sam.

"Ang ganda mo lalo, June!" puri pa sa'kin ni Alisson.

Tumango-tango naman si Sam, "We told you, you're really pretty."

Hindi ko alam kung gumanda nga ako pero... gusto ko ang kinalabasan ng pag-aayos ni Sam sa'kin. Braid ang ginawang niyang ayos sa buhok ko, waterfalls daw ang tawag sa style na 'yon. Bukod sa face powder, nilagyan niya rin ako blush at lip gloss na strawberry flavor. Ang sarap... gusto ko tuloy kainin!

May pinausot naman sa'kin na sandals si Alisson, katulad ito ng suot nila ni Sam pero gold ang kulay.

Maya maya lang, lumabas na kami ng kwarto. Lilibutin daw naming tatlo ang buong island.

Sa likod ng mansion kami dumaan palabas, kaya nadaanan namin ang infinity pool. Hindi ko maiwasang maalala ulit ang mga nangyari kagabi dito. May hagdan pala sa gilid nito, pababa sa beach.

Napakaganda ng beach! Pinong-pino at puting puti ang mga buhangin! Nakapagtampisaw na pala sila rito kahapon habang natutulog ako. Inis na inis si Alisson habang kinukwento ang mga nangyari, pinagtulungan pala siya nila Miles, Jacin at Hunter na itapon sa dagat. Si Sam naman tawa ng tawa.

Naghabulan din sila, nagkarera, at gaya ng inasahan nila, si Jacin ang nanalo. They all had fun yesterday, habang ako maghapon lang natulog.

Napagdesisyon nilang bumalik sa villa nang mangawit ang paa't binti namin sa paglalakad.

"M-mauna na kayo. Dito muna ko." sabi ko sa kanilang dalawa.

"Hindi ka pa ba pagod, June?"

"Do you still want to walk around?"

Tanong ni Alisson at Sam sa'kin, umiling ako. "P-pagod na rin pero dito m-muna ko."

"Nahihiya kang makita si Jacin?" pigil ang ngiting tanong ni Alisson,

"But he should see you, June." sabi naman ni Sam. "You should see him. Now."

"Susunod na lang ako sa inyo mamaya." nahihiyang sambit ko. "Gusto ko lang makalanghap pa ng fresh air."

Nagkibit balikat si Sam, "If that's what you want."

"'Wag kang gaanong lalayo ah?" bilin ni Alisson bago sila naglakad pabalik sa villa.

Naglakad-lakad ulit ako sa tabing dagat. Ang daming magagandang shells. Uwian ko kaya si Roxy? Mahilig sa shells 'yon eh. Sirena daw kasi siya, at mas nababagay daw siya dagat.

Napangiti ako. Roxy will really love it here.

Pumingit ako at nilangap ang sariwang hangin.

Tama si Alisson.

Nahihiya akong makita si Jacin.

Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.

Nahihiya ako.

Nagprisinta akong maging girlfriend niya. Ano na lang iisipin niya sakin? Na ang desperada ko?

Lasing naman ako kagabi. Pwede ko namang sabihin sa kanya na hindi ko alam ang ginagawa ko. At paano kung pinatulan niya lang talaga ang kalasingan ko kagabi?

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon