Chapter 31

1.5K 60 20
                                    


Chapter 31 - NPC


"June, this is really great! And is actually better than the waterfalls!" nanlalaki ang matang saad ni Sir Jimenez habang nakatingin sa painting na sinubmit ko.

"It is." Mr. Luna agrees, "And I'm sure all of us here are thinking the same, right?" tanong niya sa mga faculty na agad akong nginitian matapos ipakita sa kanila ni Sir Jimenez ang painting. "Congratulations Ms. Velasco, you did it again."

"This is indeed a beautiful cave. Mas pinaganda pa ng mga kamay mo. Where is this located?" tanong ni Sir Jimenez.

"S-sa Hope Island po."

"Hope Island? Ah, the private island of Mr. Jones?" muling tanong ni Sir. Tumango ako bilang sagot. "I see. I heard the island's really beautiful."

"Yes sir, it is. Actually sir, the waterfalls is also from there."

"Really? No wonder." Inabot ni Sir Jimenez ang kamay ko. "Congratulations again and great job June, you can really do magic with your skills huh?" ngumiti ng pilyo si Sir bago bumulong. "But I discovered your secret."

"S-sir?"

"If I bend it like this and look carefully, it doesn't look like a cave anymore. It looks like a silhouette face of a guy. Now June, who is this guy?"

Hindi ako sumagot, my cheeks does. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit nila.

"Oh. You don't have to answer it, I think kilala ko naman na kung sino. You can go now, para makapagpahinga ka at makapag-ready sa exams."

"Thank you, sir." Nahihiya at nakayuko akong nagpa-alam sa kanila ni Mr. Luna at sa mga faculty bago ako lumabas ng office.


"Ano bes? Okay ba? Nasan 'yong painting? Tinanggap ba nila?" salubong sakin ni Roxy.

Malawak akong ngumiti.

Bigla siyang nagatatalon habang niyayakap ako kaya nakitalon talon na rin ako. "Ang galing galing talaga nitong Bes ko! Naku! I was stressed for nothing! Nakita mo ba 'tong eyebags ko?" tinuro niya ang malaking itim sa ilalim ng mata nya, "Hindi ako nakatulog kakaisip sa'yo!"

Natawa ako. Kahit kailan, si Roxy ang palaging mas stressed sa'kin. Dalawa kami ng nas-stress sa buhay ko.

"Sobrang nag-alala ko dahil baka wala ka sa mood mag-paint kagabi! Sino ba naman kasing gaganahang magpinta sa sitwasyon mo?"

"Kaya ba binili mo lahat ng favorite snacks ko?" bumuntong hininga ako kunwari. "Ngayon kailangan na rin kitang bilan ng favorite snacks mo. Ang mahal pa naman mga hilig mo. At saka bakit dumaan ka lang kagabi? Ikaw sana mismo ang nag-abot ng mga snacks."

"Ayaw ko ngang maistorbo ka, mamaya nasa concentration ka na pala..." sumimangot siya, "Tsaka sabi sakin ni Tita kasama mo raw si Jacin."

"Oh, bakit biglang sumama ang itsura mo? Selos ka?" biro ko sa kanya. Madalas ko siyang biruin ng ganyan. May mga pagkakataon kasi na pakiramdam ko nagiging tunay na lalaki na siya. "Ang sama din ng tingin mo sa kanya kahapon."

Alangan niya kong tiningnan.

Nanlaki ang mga mata ko. "Hala, selos ka nga?"

Nag-iwas siya ng tingin sakin."I don't know if I should tell you this..."

Napalunok ako... sobrang seryoso niya. "R-roxy..."

"Gaga ka!" sabay batok niya sa'kin ng malakas. "Anong iniisip mo ha? Kilabutan ka nga!"

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Where stories live. Discover now