Chapter 21

2K 70 27
                                    


Chapter 21 - Turning Point?


<"Ayan kasi! Ang dami dami pang arte, sasama rin naman pala siya!"> sermon sa'kin ni Roxy sa kabilang linya. Tinawagan ko siya dahil hindi ko alam ang mga damit na dapat 'kong dalin!

Hindi naman ako dapat talaga sasama sa Hope Island. Napilitan lang ako! Ang Pyxis kasi, eh! Bigla na lang sumulpot dito sa bahay kanina, susunduin daw nila ako. Nakakahiya naman kung tatanggi pa ako.

Buong Pyxis ang nandito, maliban kay Jacin na kahapon pa raw nasa Hope Island. Pinagpa-alam nila 'ko kay Nanay na sa gulat ko, pumayag din! Ilang araw na daw akong pagod at walang tulog, mag-relax naman daw ako. Siya pa nga ang nagtulak sakin dito sa kwarto para makapag-empake e!

"M-mamaya mo na ko sermonan bes! Kailangan kong bilisan!"

<"Beach 'yun da va? Kunin mo lahat ng shorts or dress mo!">

"W-wala akong dress o kahit shorts! Alam mo namang hindi ako mahilig sa ganon, Bes!"

<"Just grab anything basta 'yong disente kang tingnan! Oh my gosh June, anong magiging itsura mo sa beach nyan?!>

"Sorry na, Bes!" mabilis kong sinunod ang sinabi ni Roxy, na mas stress pa yata sa'kin. Lahat nang makita kong disenteng damit, pinapasok ko sa bag ko. "Pero Bes, ikaw? Sasama ka rin naman 'di ba?"

"Loka! Pagkakataon mo 'yon para makuha si Jacin! Hindi ako sasama! You got the whole weekend, June! Solohin mo si Jacin! Don't miss your chance!"

Nang matapos ako, patakbo akong lumabas ulit ng bahay. Nakita ko pa si Nanay na kausap si Alisson at si Tyler... at nakikipagtawanan pa.

"Napakagwapo mo talagang bata!" sabi pa ni Nanay, ngiting ngiti habang nakatingin kay Tyler.

Nginitian siya nito pabalik. "You've said it for the fifth time now, Mrs. Velasco."

First time ko siyang makitang ngumiti! Lalong ang gwapo niya, kaya crush na crush siy ni Roxy, eh.

Ngumuso si Alisson, "Kaya nga po ang dami kong kaagaw d'yan, eh."

"At ikaw hija, napakaganda mo rin! Bagay na bagay kayong dalawa."

"Salamat po Tita!" Dumako ang tingin ni Alisson sa'kin, "Ayan na po pala si June! Sa natin susunduin si Roxy?" tanong niya nang makalapit ako.

"H-hindi raw siya makakasama, eh." malungkot na sagot ko.

"Bakit daw? Sayang naman!"

"Sayang nga." sang-ayon ni Nanay kay Alisson bago ako muling binulungan. "Pero ayos lang anak, kasama n'yo naman daw si Jacin?"

"N-nanay!"

Humagikgik lang siya. "Basta mag-iingat kayo doon ha? Wala pala si Roxy para bantayan ka."

Tumango ako at niyakap siya ng mahigpit. "Mag-iingat po ako. Salamat sa pagpayag 'Nay."

"Basta mag-enjoy ka, ako nang bahalang ipagpaalam ka sa Tatay mo."

"Iingatan po namin si June." Alisson assures, inakbayan pa ako. Sumakay kami sa van, kung saan naghihintay ang lima pang miyembro ng Pyxis, at si Sam.

Tinabihan ko sina Hunter at Ice sa pinakalikod, nasa unahan namin si Miles at Sam, sa unahan naman nila si Tyler at Alisson, si Noah sa shotgun then si Aiden sa driver seat.

Habang nasa biyahe, Miles keeps on apologizing to me dahil sa nangyari kahapon, while I keep on saying it's alright.

Malakas siyang hinampas ni Sam, "You freaktard! Hindi pa kasi tigilan ang pambabae, eh!"

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon