Chapter 45

2.2K 91 176
                                    


Chapter 45 - Date

Soundtrack: Huling Gabi by Moira


"Ano pong itsura ko?" tanong ko kay Nanay. Umikot ako para makita niya ang kabuuan ko. "Ayos lang po ba?"

Malawak siyang ngumiti, "Napakaganda mo anak. Hindi ko ito sinasabi dahil nanay mo ako at dahil nag-ayos ka. Maganda ka talaga June, sa loob at labas." Niyakap niya ko ng mahigpit. "Dalaga na ang anak ko."

Napakunot ang noo ko, nanginginig kasi ang boses at balikat ni Nanay, na nasundan na pa ng mga singhot. "Umiiyak ba kayo 'Nay? Nagbihis lang po ako ng maganda, ah."

"Masaya lang ako na lumaki kang mabait at mapagmahal."

"Syempre po, kayo ni Tatay ang nagpalaki sa'kin eh."

Tumawa siya at mas hinigpitan ang yakap sa'kin. "Napakaswerte ko at kayong dalawa ni July ang naging anak ko."

Tumawa na rin ako, mabilis kong pinunasan ang pumatak na luha. Masyado pang maaga para umiyak. "Nay, 'wag niyo po akong paiyakin. Sayang po ang mascara na pinaghirapan nating ilagay sa pilik mata ko kanina."

Hindi kasi ako marunong maglagay ng mascara kaya nagpatulong ako kay Nanay, kaso nga lang malabo na ang mata niya kaya nagsalamin pa siya matulungan ako sa paglalagay.

Gusto kong maging maganda ngayong araw, buti na lang nandito si Nanay para tulungan ako. Kinulot namin ng bahagya ang laylayan ng buhok ko, inahit at kinorte ang kilay. Naglagay din ako ng blush at lipstick na pink. Sinuot ko ang isa sa mga dress na binigay sa'kin ni Sam, palagi niya kasi akong pinapadalan ng mga dress, isuot ko raw sa date namin ni Jacin. Pink na dress ito na may floral designs na lampas ng kaunti sa tuhod ko ang haba. Suot ko naman ang golden sandals na bigay sa'kin ni Alisson sa Hope Island.

Si Roxy, ka-video call namin kanina. Gusto niya raw kasing makita ang ayos ko sa first ever date ko. May kakaiba nga akong pakiramdam kay Nanay at kay Roxy, feeling ko kahit hindi ko sabihin ang mga problema at pinagdadaanan ko sa kanila, alam pa rin nila. Nararamdam nila.

Bumitaw si Nanay at muli akong pinasadahan ng tingin. "Baka malaglag ang panga ni Jacin sa ganda mo, anak."

Ngumiti lang ako at nag-iwas ng tingin.

Maya-maya lang ay may bumubusina na sa labas ng bahay. Pagsilip namin ni Nanay, nakaparada na sa labas ng pulang kotse ni Jacin.

Sinukbit ko sa balikat ang maliit kong sling bag bago lumabas ng bahay.

Lumabas din ng sasakyan si Jacin. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa, bago pinagtagal ang tingin sa mukha ko. Napangiti ako dahil suot niya ang shirt couple shirt namin, na nakapaloob sa itim na leather jacket at naka-tuck in sa black jeans. He's wearing a classic Van slip-ons too, instead of his usual Timberlands.

Napakagwapo niya.

Ah, palagi naman nga pala siyang gwapo eh.

Napalunok ako bago nagsalita. "H-hi."

He does the same, then clears his throat before saying, "Hey."

Katahimikan ang sumunod.

Nakatitig lang siya sakin at gano'n din ako sa kanya. Bahagyang nangingitim ang ilalim ng mga mata niya. Hindi rin yata siya nakatulog ng maayos.

He clears his throat again bago nagkamot ng batok. "You're not wearing our shirt... I thought we're supposed to wear it today?"

"K-kung gusto mo magpapalit ako—"

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon