June's Journal (20XY)

1.5K 66 59
                                    


June's Journal (20XY)

Soundtrack: Love Myself by BTS



JANUARY

NEW YEAR! First month of the year pa lang, pakiramdam ko napakadami nang nangyari. At dahil sa sobrang busy at demanding ng schedule ko, wala na akong gaanong time para mag-sulat so I'm just going to summarize everything that happened this month:

· Umalis si Roxy, second week na ng January! We got to spend more time together! Hindi na rin kami gaanong nag-iyakan. Mabilis naman kasi ang panahon, he'll be back soon. At si Roxy talaga ang tinutukoy ko.

· I opened the blog just last night at talagang nagulat ako dahil sabog ang notifications ko! Naging triple ang followers ko at ang daming reblog no'ng mga entries! Grabe ang demand ng updates, dinaig ang schedule ko. Curious silang lahat kung sino si JK, they were all asking kung kailan siya uuwi. Hindi ko alam kung sino ang uunahin kong reply-an sa comments kaya nagpatulong ako kay Roxy. Siya naman ang may pakana nito eh. Pero sa isang commenter talaga ako na-shock, kamuntikan na nga 'tong i-block ni Roxy e. Itong isang commenter kasi, ay hindi lang pala isa, medyo madami sila, they were shipping me with Tyler! Iyong entry na nag-reply sakin si Tyler ang isa sa may pinakamadaming reblog! Sana kayo na lang ni V! Mas bagay ka sa kanya kaysa kay JK at kay YG! (V ang pinangalan ni Roxy kay Tyler sa blog) Halos kalahati naman ng mga commenters, mas gusto kami ni YG, 'wag ko na raw hintayin si JK. Ang reply ko? "Hindi nadidiktahan ang puso :)"

Pinuri ako ni Roxy dahil do'n, ang taray ko raw.

· And my favorite highlight of the month: My classmates are talking to me. Hindi sa plastic na paraan, pero sa natural na paraan. Like a normal classmate. I'm still the commoner, but now I can feel the respect. For the first time in all my school years, finally, I feel belong. I'm not the superweak anymore. I'm just June, their classmate.

· Lastly, the date I hate? I tried not to hate it anymore. Isang taon na siya sa England. Sinusubukan ko nang maging positive ngayon tuwing sasapit ang date na 28. Bagong taon na! I want to be positive through out the year. Positive lang dapat!

PS. Aiden called, he said Jacin's doing fine in England. Palagi akong ina-assure ng Pyxis na ayos lang si Jacin doon, minsan binibigyan nila ako ng updates about him. Pero wala silang gaanong masabi dahil minsan lang daw sila tawagan ni Jacin.

Mrs. Mendes is updating me about him too. Bago niya tapusin ang bawat tawag, palagi niyang sinasabi : "My sons misses you so much, June."

Miss ko na rin po siya Mrs. Mendes. Miss na miss.



FEBRUARY

Love month? I don't think so. At hindi ako bitter. Ayoko lang kasi ng concept ng 'love month'. Every month should be love month. Araw-araw you should treat your loved ones like it's Valentine's day. Hindi lang dapat tuwing February nagpapakita nang pagmamahalan ang mga tao sa isa't isa.

Opinyon ko lang naman 'yon. At parang tunog hugot siya. Hahaha. I just think people shouldn't wait for Valentine's to show how much they love a person. Araw-araw naman, pwede nating ipakita sa kanila kung gaano natin sila kamahal.



MARCH

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon