Chapter 41

1.6K 69 29
                                    


Chapter 41 - Perspective



- JUNE -


Ilang beses kong kinusot ang mga mata ko para siguraduhin kung totoo ba ang nakikita ko. Naglalakad ako papuntang classroom nang makita ko siya. Nakaksandal sa pinto, nakapasok sa bulsa ang mga kamay at naka-earphones na para bang may hinihintay. Nang makita niyang palapit ako, ngumiti siya at inalis ang earphones.

"J-jacin!" tinago ko sa likod ang mga kamay ko para pigilan siyang yakapin. Gusto kong ibaon ang ulo ko sa dibdib niya at langhapin ang pabango niyang miss na miss ko na... "Wala ba kayong training? B-bakit nandito ka?"

Ngumiti siya na lalong nakapagpaliwanag sa paligid. "Wala si Coach, I can skip the afternoon training. We can have lunch together."

"O-okay!" Malawak akong ngumiti at sunod-sunod na tumango. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko't mayakap siya ng sobrang higpit!

Sabay kaming pumasok ng classroom at maya-maya lang, dumating na rin si Yuan. Hindi naman dumating ang teacher namin sa first subject kaya nagkwentuhan lang kaming tatlo. Kinuwento namin kay Jacin ang mga nangyari no'ng birthday ni Yuan, at ang lakas ng tawa niya!

"Why would they take June, anyway?" tanong ni Jacin pagkatapos tumawa. Nakakunot ang noo.

Nagkibit-balikat si Yuan, "You know them. They love embarrassing me, and June was the easy target."

Ngumuso si Jacin, "They could've taken me too, I could've been there. You were there on my baby party,"

"They would've taken you, but you were too busy."

"Nag-baby party ka rin no'ng birthday mo?" tanong ko kay Jacin.

Tumango siya. "I begged them not to involve you, and it was a lot of begging. It was so embarrassing and I don't want you to witness that." natatawa at naiiling na sabi niya. "They filled the fountain with milk and chucked me in there like a cookie. I stayed there for hours. They only let me go when I had to pick you up for our dinner."

Nagsimula pala ang baby party tradition ng dalawang grupo dahil kay Miles. Mukha pa rin daw kasing baby si Miles kahit seventeen na ito, kaya sinabuyan nila ito ng gatas. Ginawa rin daw nila ito no'ng mag-seventeen si Tyler. They successfully pranked him with the help of Polaris, and since Polaris liked the idea of baby party, ginawa nila ito kay Yohan last year, kay Blue last May at kay Yuan just last week.

Ang cute nila. Hanggang kailan kaya sila magb-baby party?

Ngayon ko lang nalaman na nag-baby party pala si Jacin. Kaya pala kakaiba ang kinang at lambot ng balat niya no'ng birthday niya.

Nang matapos ang first period, umalis si Jacin para bumalik sa training.

Excited akong tumingin sa oras. Tatlong oras na lang, lunch na at makakasama na ulit namin siya.




- JACIN -


"Alright archers, as I've told you yesterday, I won't be around this afternoon but that doesn't mean you can slack off and skip practice. May tiwala ako sa inyo."

"Yes, coach." We all say while trying hard to stifle our smiles.

"And Ayu, please." pleads Coach, "Pumunta ka sa infirmary, don't push yourself too much if you're not feeling well."

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon