36

1.3K 23 0
                                    

Wow...
Namamangha kong sabi habang nakatingin sa mga lugar na aming nadaraan.

Ito nga talaga ang paraiso na kanilang sinasabi.
Mapalad ako na nakita ko ang ganitong tanawin.

Pinikit ko ang aking mga mata at dinipa ang aking kamay habang nilalanghap ang sariwang hangin.

Ito na ang lugar na aking titirhan, kailangan ko ng tanggapin na isa na akong kaluluwa na mamumuhay dito. Hihintayin ko kayo dito nay, tay at tonton.

Magandang binibini narito na tayo.

Dahil sa iniisip ko ay di ko namalayan na narito na kame.
Agad kong minulat ang aking mga mata at bumaba.

Maraming salamat sa iyong paghatid sa akin.

Walang anuman binibini, ako'y aalis na. Sa muli nating pag kikita.

Kumaway ako sa tikbalang na papaalis.
Nilibot ko ang aking paningin sa paligid.

Tulad ko ay marameng mga kaluluwa na nakatira dito.
Makikita mo ang saya sa kanilang mukha.

Tama nga ang kasabihan ng mga matatanda sa lupa.

Dito mo lang makakamit ang walang humpay na kasiyahan.

Biglang may humila sa aking kamay, isang batang babae na nasa edad apat na taon..

Ate dali sumama ka sa akin.
Punta tayo don, masaya po don.

At nagpahila na nga ako sa bata.

Nangmakarating kame ay  pinaupo niya ako sa may silong ng puno kung saan ay may upuang kahoy na naroon.

Pinayuko niya ako at nilagyan niya ang aking ulo ng korona na gawa sa magagandang bulaklak.

Ayan ate lalo ka pong gumanda, sabay tabi niya sa akin.

Ano palang pangalan mo.

Ako po si thalea..

Ako naman ang ate joyce mo.

Sino ang kasama mo dito.

Silang lahat po..
Sabay turo sa mga tao na nagsasaya.

Ang dame naman pala nila,nakangiti kong sabi.

Opo ate lahat po sila mababait, mag mula ng dumating po ako dito di ko na po nagawang umiyak..
Lage nalang po akong naka smile.
Kaya ikaw ate dapat lage ka pong naka smile ha..

Oo ba thalea, bastat lage mo akong sasamahan di na ako malulungkot.

Sige po ate,magmula ngayon po ako na ang magiging kapatid mo.

Dahil sa sobrang saya ko ay niyakap ko siya.
Di ko napigilan ang biglang maluha.

Ate naman diba sabi ko sayo dapat lage tayong naka smile, bakit ka po umiiyak. Pag nakita ka po ni kuya kris  lagot ka po don, kikilitiin ka po niya hanggang sa mapagod ka po.

Hindi naman ako umiiyak eh, natutuwa lang ako kasi may thalea na sobrang ganda at kulet,sabay kurot ko sa kanyang pisnge..

Aray ko ate!!!
Nakatawa niyang sabi.

Thalea!!!

Tawag ng batang lalaki na nakalapit na sa amin.

Bakit anton..

Punta tayo kay nay asun, hinge tayo ng mansanas...

Sige..
Ate Joyce,maiwan ko muna po kayo.
Favorite ko po kasi yong mansanas e.
Balikan ko nalang po kayo. Wag ka pong aalis dito ha, babalik po ako.

Sige na thalea, samahan mo na ang kaibigan mo. Maghihintay ako sayo dito..

Niyakap muna ako ng bata bago umalis.

Pinag masdan ko lang ang dalawa habang papalayo sa akin.

Ang sarap talaga ng maging bata bulong ko sa aking sarili..

"Talagang masarap maging bata"..

Sabi ng lalaki sabay upo sa aking tabi..

Natulala ako ng humarap siya sa akin.

Ang boyfriend kong MULTO(completed)Where stories live. Discover now