22

1.3K 28 1
                                    

Anthony!!!
Pabulong ngunit gulat kong sabi sa kanya..

Nakayakap parin siya sa akin patalikod at nakapatong ang kanyang baba sa aking balikat,kitang kita ko ang masaya niyang mukha sa harap ng salamin.

Nagtataka ko siyang tinitigan at naunawaan niya naman ang ibig kong sabihin.

Honey..

Patawad sa mga nagawa kong pagsisinungaling sayo.

Humarap ako sa kanya at nilagay ang aking hintuturo sa kanyang labi para di niya na ituloy ang sasabihin niya.

Ok na bee nakangiti kong sabi sa kanya.
Nagkausap na kame ni lolo lito, pinaliwanag niya na ang lahat sa akin.

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisnge na para kong kinakabisa ang kanyang mukha.

Itong mga nahahawakan ko..
Itong nararamdaman at nakikita ko,maari mo bang ipaliwanag ang lahat ng ito...
Paanong nangyari ang mga ito..

Nawala ang masayang ngiti sa mukha ni Anthony at nakita ko sa kanyang mga mata ang lungkot.

Kinuha niya ang aking mga kamay at nilagay niya sa kanyang bewang.
At ang kanyang kamay naman ang humawak sa magkabila kong pisnge.

Joyce honey...
Please makinig kang mabuti sa lahat ng sasabihin ko..

May tatlong araw nalang akong natitira para manatili dito sa lupa. Kaya sa loob ng tatlong araw na yon ay magagawa mo akong mahawakan na parang totoong tao, ngunit ikaw lang ang makakakita sa akin.

Gusto ko sa loob ng tatlong araw na yon ay bumuo tayo ng mga masasayang araw, please Joyce...
Bago ako tumawid ay sana mapagbigyan mo ang kahilingan ko sayo.Sa huling pagkakataon gusto kong maramdaman ang pagmamahal mo.

Napatulala lang ako sa lahat ng mga sinabi niya sa akin at ang luha ko kanina na tumigil ay muling nagtuloy tuloy sa pagpatak..
Ilang minuto akong umiyak hanggang sa puro hikbi nalang ang naririnig..

Anthony...
Hindi ko makakaya na tuluyan ka ng mawala sa aking tabi..
Sabihin mo na nagsisinungaling ka nanaman.
Ok na sa akin na di ka mahawakan ng ganito at maramdaman bastat makita lang kita araw araw ay makukuntinto na ako wag mo lang ako tuluyang iwan..
Please  Anthony....
Humahagulgul kong sabi sa kanya..

Niyakap niya ako ng sobrang higpit.

Joyce gustong gusto ko na manatili sa tabi mo..
Pero di maari ang gusto nating mangyari. Magkaiba na ang mundo natin.. Kaluluwa nalang ako.
Ikaw mahahanap mo pa ang lalaking magmamahal sayo ng hihigit pa sa akin.

Kailangan nating tanggapin ang lahat ng ito. Isa lang ang ipapangako ko sayo..
Yon ang hintayin ka sa kabilang mundo. Pakatatag ka Joyce,lage kitang babantayan kahit di mo na ako makikita. Pakatatandaan mo na lage kang nandito sa puso ko.

Anu ang kailangan kong gawin Anthony  para manatili ka sa aking tabi.

Itago mo ako sa iyong puso Joyce.
Itago mo ang masasayang alaala nating dalawa..

Mamuhay ka ng normal na tao Joyce.
Ipagpatuloy mo ang iyong buhay.

Paano ko gagawin ang lahat ng iyon Anthony..
Madali sayo ang lahat ng mga sinasabi mo pero sa akin mahirap lahat ng ito dahil ang puso ko Anthony...
Ang puso ko ay dinala mo na ng tuluyan..

Ang boyfriend kong MULTO(completed)Where stories live. Discover now