23

1.4K 29 3
                                    

Nagising ako na madilim na ang paligid at magang maga ang aking mga mata. Agad akong naligo at nagbihis.
Pag labas ko ng aking silid ay nagtungo ako sa kusina.

May nakita akong sulat sa ibabaw ng lamesa.

Wala pala akong makakasama ngayon at sa susunod na mga araw.
Lumawas sila nanay patungong laguna upang dalawin ang kapatid ni tatay na may sakit.

Buti nalang pala at wala sila nanay dito kung di ay magtataka ang mga iyon kung bakit namamaga ang aking mga mata.

Narinig kong tumunog ang aking tyan tanda na gutom na ako.
Agad akong nagluto ng aking hapunan.
Nang makapagluto na ako ng adobong manok ay dinala ko ito sa mesa.

Halos mahulog ko ang mga bitbit kong pagkain ng may nadatnan akong mga batang multo na nakatayo sa harapan ko.

Nilapag ko agad ang aking bitbit sa  mesa at hinarap sila..

Bakit ang dame niyo san kayo nanggaling? Anu ang kailangan niyo sa akin?

Ang mga nakayukong bata ay sabay sabay na tumingin sakin..
Ang kaba ko kanina ay biglang nawala at nahawa sa mga ngiti ng bata.

Nagniningning ang mga mata nila sa saya.
Pumaikot sila sa aking lahat hanggang sa makabuo ng pabilog at makulong ako sa gitna.

May isang batang babae ang lumapit sa akin at nilagyan ako ng bulaklak sa aking ulo na parang prinsesa.
Pag alis ng batang babae ay bigla silang kumanta ng sabay-sabay.

Sobrang natuwa ako ng marinig ko ang kanilang mga boses.
Ang ganda nilang pag masdan bulong ko sa aking sarili.
Anu kaya ang kinamatay ng mga ito, kung ako siguro ang magulang ng mga ito ay tiyak na di ko matatanggap ang maaga nilang pagkawala.
San kaya sila nanggaling...
At teka nga pala bakit...

Di ko na naituloy ang aking sasabihin ng may yumakap na sa aking likuran.
Di ko na kailangan pang tignan kung sino siya. Siya lang naman ang boyfriend kung multo.

Bumulong siya sa akin..

Nagustuhan mo ba ang surpresa ko sayo honey.

Humarap ako sa kanya.

Nilagay niya ang kamay ko sa kanyang balikat at ang kamay niya sa aking bewang,nagsayaw kame habang kumakanta ang mga bata.

Bakit bee may surprise ka pang nalalaman nakangiti kong sabi.

Pero bee natutuwa ako sa kanila sabay turo sa mga bata.
San mo ba nakuha ang mga angel na mga yan.

Dyan lang honey sa tabi tabi.

At niyakap niya ako ng mahigpit..

Lage mong tatandaan na maghihintay ako sayo sa kabilang mundo Joyce.

Gawin mong normal ang iyong pamumuhay.
Maging masaya ka, ipangako mo yan sa akin.

Tumulo nanaman ang aking mga luha sa mga sinabi ni Anthony pero di tulad ng nakaraang araw na sobra sobra na. Tama siya kailangan kung tanggapin na di kame nararapat dito sa lupa, na may kabilang mundo pa para sa aming dalawa.

Ginantihan ko lang siya ng yakap ng mahigpit, ito na siguro ang huli naming pagkikita at pagyayakapan ng matagal. Kailangan ko na siyang pakawalan..

Marameng salamat bee sa lahat, salamat kahit na isa kang multo ay nagawa mo akong mahalin. Salamat sa pagpapaligaya sa akin sa maiksing panahon. Babaunin ko ang lahat ng mga ito habang nabubuhay ako. Gagawi kitang inspirasyon sa buhay na tatahakin ko.

Bumitaw sa pagkakayakap sa akin si Anthony at sa huling pagkakataon ay hahalikan niya ako sa aking mga labi.

Di pa nagdidikit ang  aming mga labi ng may marinig ako ng putok ng baril..

Agad akong lumabas ng bahay at hinanap kung san nanggaling ang putok.

Nakita ko si kuya allan na kapit bahay namin,hawak ang kanyang dalawang taong gulang na anak at nakatutuk sa bata ang baril.

Nagmamakaawa ang kanyang asawa pero parang wala itong naririnig,patuloy parin nitong tinutok ang baril sa anak.

Kuya allan..

Tawag ko sa kanya..

Ano po bang problema, baka po pwede natin itong pag usapan.

Joyce,humihingi lang naman ako ng pambiling alak sa ate alex mo pero anung ginawa niya, binungangaan nanaman ako at pinahiya sa mga kasama ko. Tama ba gawin niya sa akin yon..

Kuya allan bitawan niyo po yong baril niyo.. Kawawa naman po si alexa, nadadamay po yong anak niyo..

Bitawan niyo na po kuya please..kung pera po,ito po ibibigay ko po itong pera ko pambili niyo ng alak.

Bago ako tuluyang lumapit kay kuya allan napatingin ako sa aking likod.

Nagmamakaawang umiiling si Anthony sa akin...


.........................................
Hi guys..
Malapit na pong magtapos ang kwentong ito..

Ano po sa palagay niyo ang mangyayari kay Joyce...
Comment or message niyo lang po ako.
Yong makakakuha ng tamang sagot..
Mention  ko next chapter..
Good luck 😉

Ang boyfriend kong MULTO(completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora