2

2.3K 43 1
                                    

Dahil araw ng linggo ngayon  ay wala akong pasok.

Ako nga pala si Joyce valdez 21 years old.Nagtatrabaho ako  bilang isang secretary sa aming barangay.

Nandito ako ngayon sa aming kabukiran at tumutulong sa aming magulang sa pag tatanim ng ibat ibang klaseng gulay.

Ate Joyce....
Sigaw na tawag sa akin ni ton-ton.

Nang iangat ko ang aking ulo ay patakbo siyang lumapit sa akin, ngunit di siya nag iisa may nakasunod sa kanyang matandang naka baston.

Hinihingal na dumating si ton ton.

Oh bakit nanaman ton ton. Alam mo namang may ginagawa ako dito.

Kasi ate may naghahanap sayo. Nandon na sa bahay hinihintay ka.

Oh lolo anu pong ginagawa niyo dito sabay mano sa matandang naka baston. Ngunit di naman sumayad ang aking kamay.

Dali daling nagtago si tonton sa aking likod.

Ate sino ang kausap mo. Bakit nag mamano kang mag isa dyan.

Anu kaba tonton ikaw nga ang dapat kung tanungin dyan mag kasabay kayong pumunta dito sa akin.

Na..... Nay.......
Si ate po.....
Nababaliw nanaman. Kung anu ano nanamang kalokohan ang pinag sasabi.
Pasigaw at tumakbo nanaman si tonton.

Lolo bakit po kayo nandito.

Joyce apo kasama ko ang aking asawa nandon siya sa inyong tahanan.
Kausapin mo siya apo.
Para bago man ako tuluyang lumisan ay masabi ko sa kanya ang di ko pa nasasabi.

Sige po lo.
Ah lolo anu po bang gusto niyong sabihin sa inyong asawa para po pag dating ko don ay agad ko pong masabi sa kanya.

Apo paki sabi sa lola mo na wag na siyang mag aasawa ha.

Ikaw naman lolo patay na po kayo at lahat nagagawa mo pang mag biro. Ilang taon na po ba si lola.

80 yrs old na siya apo.

Napatawa ako ng wala sa oras,na kung may makita man sa akin ay tiyak na pag sasabihan akong nababaliw.

Ikaw naman lolo, sa edad ni lola ng ganun makakapag asawa pa po ba yon...

Aba apo kaya nga ako namatay ng maaga ay na atake ako sa puso ng dahil sa kanya.
Akalain mo ba namang may Ka chat mate na foreigner.
Kaya apo sabihin mo sa kanya na tigilan na niya ang pag gamit ng mga aparato na yan kung gusto niya pang maiwanan ng mga pamana. Hindi ko sasabihin sa kanya ang mga password ng mga iniwan kong kayamanan.

Ay gumaganyan ka na din lo ha.
Pabiro kong sabi.
Hayaan mo po lo sasabihin ko po lahat yan. Dito lang po kayo sa tabi ko habang kausap ko po ang inyong asawa.

Sige apo marameng salamat.
Kung di susundin ng asawa ko ang mga bilin ko Joyce ay sayo ko nalang iiwan lahat ng aking kayamanan.

Ay naku lolo wag po kayong ganyan. Matanda na po si lola kaya ibigay niyo na po sa kanya ang mga naiwan niyo.

Pero Joyce ang kundisyon ko,dapat masunod yon.

Nang makapasok ako sa bahay ay nadadnan ko ang isang matandang babae.
Agad akong nag mano sa kanya at tumabi.

Kayo po ba ang asawa ni lolo lito.

Oo apo ako nga.

Bakit kilala mo siya.

Opo kausap ko po siya kanina. At sinabi niya po sa akin lahat ng mga gusto niyang mangyari at kung di niyo daw po susundin ay di niya po ibibigay ang pamana niya.

Ganun ba iha.. Anu ba ang gustong mangyari ni lito.

Tumingin muna ako sa sala at tinitigan ko si tonton at nanay na nakikinig.
Nay, ton pwede po bang don muna kayo sa may kusina.
Di po kasi pwedeng may makarinig.

Nang makaalis na sina nanay at tonton ay sinabi ko na lahat ng habilin ni lolo.

Natawa naman ang matandang babae...

Ikaw talaga lito, kahit kailan ay seloso ka.
Wag kang mag alala lahat ng gusto mong mangyari ay susundin ko.

Bigla namang nag salita si lolo sa tabi ko..
Joyce di ako naniniwala na susundin niya ako. Pakisabi na di ko muna ibibigay ang control number sa kanya.

Kaya malungkot na umalis si lola sa bahay.. Mukha nga talagang may tinatago itong matanda na ito..

Pero bago umalis si lolo ay binigay niya na sa akin lahat ng mga control number kaya dali dali ko itong sinulat.

Joyce apo sayo ko na hinahabilin lahat ng mga naiwan ko.
Gamitin mo sana ito sa tama.

Pero lolo pano na po si lola..

Pag tingin ko ay bigla nalang siyang nag laho.

Ang boyfriend kong MULTO(completed)Where stories live. Discover now