15

1.5K 32 0
                                    

"ikaw!!!! "
"papaanong mangyayari yon.. Alam ba ito ni lolo lito"..

Ate!!!
Ate!!!

Hoy!! Gising ate....
Boses ni tonton ang aking narinig nang ako'y gumising..

Kunot nuo ko siyang tinitigan.
Bakit tonton, anung nangyayari..

Ate naman sumisigaw ka, daig pa ang may sunog dito sa atin,nakangusong sabi ni tonton.

O ito tubig ate,inumin mo na at pwede ba ate maligo ka na rin tignan mo nga yang itsura mo parang sampong kabayo ang humabol sayo.
Madali ka na dyan ate at may bisita ka sa baba.
Sabay talikod ni tonton at tuluyan ng lumabas ng aking silid.

Pag labas ni tonton ay humarap ako sa salamin.
Nakita ko nga na basang basa ako ng pawis.. Sa mukha ko na may tumutulo pa at pagdating naman sa aking damit na pwede ng pigain.

Dali dali akong pumasok sa banyo at naligo na.

Nang matapos akong maligo ay tsaka ko lang napansin na wala pala akong dalang towel..

Pano na ito..

Akmang bubuksan ko na ang pinto ng banyo ng may biglang kumatok.

Kaya dahan dahan ko itong binuksan at isang mata ko lang ang nakasilip.

Nanlaki ang aking mata sa white lady na may hawak ng towel.

Mam Joyce pinapabigay po ito ni sir Anthony.
Ito rin po daw ang susuotin niyo.
Bilisan niyo daw po baka makita pa daw po kayo ni tandang kapre sa ganyang ayos.

Kahit nagtataka ako sa sinabi ng white lady ay agad ko itong kinuha at madaling nag bihis.

Nang makalabas na ako ay masayang mukha ni Anthony ang nakita ko, pero may mas napansin ako sa kanyang mukha..

O honey anong tinititigan mo sakin.
Oo na gwapo na ako matagal ko ng alam yan kahit di mo sabihin.

Nawala tuloy ang dapat kung sasabihin sa kanya at kunot nuong tumingin sa kanya.

Anong honey ang pinag sasabi mo sakin Anthony.
At bakit alam mo na wala akong dalang towel sa loob, lakas mo ring maka kuha ng mga alagad mo talagang mga white lady pa talaga pinagkukuha mo..

Teka nga lang honey, nag seselos ka ba sa mga alipin ko. Wag kang mag alala ikaw lang wala ng iba dito sa puso kong invisible.sabay kindat sa akin.

Tigil tigilan mo ako sa kaka honey sakin.

Ay ang oa mo naman honey. Tsaka wag honey tawag mo sakin dapat bee ah..
Kz ikaw ang honey at ako ang bee mo, hindi ko kayang mabuhay kung walang honey sa buhay ko.

Imbes na mainis ako sa kanya ay agad nalang akong tumalikod para di mahalata ang pamumula ng aking pisnge at nagtungo sa sala para alamin kung sino man ang bisita ko.

Multo na nga at lahat ang lakas parin makabola ah..
Yan ang paulit ulit kong bulong sa sarili ko hanggang makarating ako sa sala.

Pagdating ko sa sala ay nakita ko ang isang nakatalikod na lalaki.

Nang mapansin ako ni nanay ay agad niya akong tinawag.

O Joyce anak,nariyan Ka na pala.. Pag lapit ko sa kanila ay nakita ko ang isang gwapong lalaki na pamilyar sa akin.

Simon...

Ang boyfriend kong MULTO(completed)Where stories live. Discover now