12

1.6K 34 0
                                    

Kasalukuyan akong nakasakay sa bus pauwe samin.

Miss san po kayo.

Sa bayan po ng san antonio.
Kuya dalawang upuan po ang babayaran ko.

Bakit miss may hinihintay ka pa ba.

Ay wala na po kuya,di po kasi ako sanay na may katabi kaya dalawa po babayaran ko.

Ganoon ba miss,oh ito na ang dalawang ticket mo.

Salamat po kuya.

Nang tumingin ako sa aking tabi ay todo ngiti ang multo.

Salamat talaga Joyce dibale at magpapakabait ako.

Hinayaan ko nalang siyang magsalita.

At baka pag sinagot ko pa ay pagtinginan pa ako ng mga tao at sabihang nababaliw.

Nay....
Tay....
Sabay yakap ko sa aking mga magulang.
Na miss ko po kayo. Asan po pala si ton -ton.

Nandon sa loob ng bahay anak, halika na at pinagluto kita ng paborito mong ulam.

Naglalakad na ako papuntang bahay ng may kumalabit sa akin.

Bakit Anthony may kailangan ka.

Nanay mo yon...

Ay hindi Anthony...katulong namin yon.. .
Nakita mo nang tinawag kong nanay,tatanungin mo pa kung nanay ko.

Bakit ba ang sungit mo, nagtatanong lang naman ako ah.
Tsaka Joyce ang ganda pala dito sa lugar niyo, napakatahimik.

Nagpatuloy nalang ako sa pag lalakad at hinayaan si Anthony.

Ate.......
Pasigaw na salubong ni ton-ton.

Ton-ton sabay yakap ko sa kanya.

Namiss kita ate..

Ako man ton namiss ko ang kakulitan mo.

Ton -ton baka naman nung wala ako dito pinasasakit mo ang ulo nila nanay at tatay.

Hindi ate, good boy kaya ako diba nay..

Alam mo ba ate nung umalis ka ang dameng naghahanap sayo dito.
Di lang namin sinabi kung san ka. Gusto kasi talaga nilang malaman.

Kayong dalawa diyan mamaya na kayo mag kwentuhan. Kumain muna tayo at baka lumamig pa ang pag kain.

Opo nay susunod na kame...

Pinag masdan ko nalang na kumakain ang mag anak..

Hay ton-ton....
Dahil sayo napapunta ako dito sa inyo.
Kapatid ka lang pala ni Joyce.

Pumasok ako sa isang silid kahit walang pahintulot ni joyce.

Marahil ay ito ang silid niya.
May nakita akong mga larawan niya.
Talagang maganda siya kahit san mo titignan. Pati kalooban niya, sana nuon pa kita nakilala Joyce..

Huminto ang aking paningin sa isang gitara.

Agad ko iyong pinatugtog..

Nang biglang  bumukas ang pinto ng silid..

Nanay.....

Yong ...gi.. taaaaaraaa po...
Pautal utal na sabi ni ton-ton.

Kaya agad na dumating si Joyce sa silid..

Anu ba yon ton-ton...

Ate.. Ate... Yong gitara sabay turo sa gitara.
Tumutunog mag isa..

Nang tignan ko ang lagayan ng gitara nakita ko don si Anthony hawak hawak niya.

Naku naman ton-ton, wala naman akong narinig..

Pumunta ka na don sa sala at susunod na ako,kukunin ko lang yong pasalubong mo.

Sige ate bilisan mo ha..

Nang makaalis na si ton-ton ay agad kung hinarap si Anthony at pinanlakihan ng mata.

Akala ko ba magpapakabait ka.

Sorry na Joyce di ko naman alam na papasok dito yong kapatid mo.

At isa pa pala Anthony bakit ka pumasok dito...

Ei kasi ang tagal mong kumain at tsaka gusto ko lang makita yong silid mo.
Sabay peace sign ng kamay..

Tinaasan ko siya ng kilay bago lumabas na ng silid.

Ang boyfriend kong MULTO(completed)Where stories live. Discover now