11

1.6K 31 2
                                    

Ako si Anthony nagpakamatay ako sa maling babae..
Oo nag kamali ako ng minahal, nasa huli talaga ang pag sisisi.

Magmula nang dumating si Joyce sa aming bahay ay nabighani na ako sa kanyang ganda.. Kaya nagpapasalamat ako dahil nakikita at nakakapag usap kame.

Nag sinungaling ako sa kanya tungkol sa mission ko.
Ang sinabi ko ay kailangan kong gumawa ng mabuti pero di yon ang mission ko.

Ang totoong mission ko para makatawid ako sa kabilang mundo at maibalik ang mukha ko ay hanapin ang tunay na mag mamahal sa akin.
Kailangan na tanggapin ako sa ganitong itsura.
Dapat na maranasan ko ang tunay na pag mamahal.

Oo kahit na isa na akong kaluluwa ay magagawa ko pa ring mag mahal..

At si Joyce iyon..

Dahil di ko man lang makita ang takot sa kanya.
Isa siyang matapang na babae..

Ang tanong ko,kaya niya din kaya akong mahalin kahit isa akong kaluluwa..


Nandito ako sa sala at nakaupo sa may bintana ng lumabas si joyce.

Bagong paligo at super sexy talaga..

Sumipol ako na agad naman siyang tumungin..

Wow sexy ah..

San ang lakad mo sexy..

Tigilan mo ako Anthony..
Asan na ang white lady mong jowa.

Di ko jowa yon noh..

Biglang tumunog ang cellphone ni joyce kaya nikinig lang ako sa kanya.


Hello...

Ate.... Pasigaw na sabi ni ton ton.

Oh ton ton napatawag ka.

Namiss ka na namin ate, kailan ka ba uuwe dito..

Miss narin kita ton ton,pati sila nanay at tatay..

Sige isa sa mga araw na ito uuwe muna ako para makasama ko kayo.

O sige ate sasabihin ko kala nanay na uuwe ka.
Bye ate mag ingat ka dyan ha..



Bye ton ton..


Nag pagtingin ko kay Anthony ay nakasimangot..

Hoy Anthony bakit ka nakasimangot, ang panget na nga ng mukha mo magawa mo pang sumimangot..



Nakikinig ako kay Joyce na may kausap,ton ton ang pangalan sino kaya yon. Baka boyfriend niya yon. Di ako makakapayag na may kaagaw ako sa kanya. At ang sabi pa niya ay uuwe siya. Pwes sasama ako sa kanya para mabantayan ko siya. Ako lang ang dapat niyang mahalin.


Ah ei Joyce, uuwe ka sa inyo..

Oo uuwe muna ako na mimiss ko na kasi ang pamilya ko.

Pwede ba akong sumama sayo?

At bakit ka naman sasama sa akin.

Para mabantayan ka,pabulong kong sabi.

Anu Anthony may sinasabi ka ba.

Wala Joyce,gusto ko lang sanang makita ang lugar niyo. Kaya kung pwede ay isama mo na ako.

Sige pero sa isang kundisyon, wag kang magpapakita sa pamilya ko.
Kung matapang ako,ang pamilya ko ay hindi, takot sila sa mga kaluluwa.

Ok joyce,walang problema mag papakabait ako don..

Sabi mo yan ha..
Sige matulog na ako at maaga pa ang biyahe ko bukas pauwe sa amin.

Ang boyfriend kong MULTO(completed)Where stories live. Discover now