8

1.6K 35 2
                                    

Pag pasok ko ng bahay ay siya namang pag labas ni nay chayong..

O Joyce,ang bilis mo atang bumalik..

Nay bigla pong sumama ang pakiramdam ko, dibale po nakapag report na ako sa police.Tatawagan nalang daw po nila ako sakaling may update po.

Ganon ba. Sige ikaw na muna ang bahala dito sa bahay at tutungo ako sa palengke.

Opo,ako na pong bahala.

Agad akong pumunta sa aking silid.

Nang pag bukas ko ng pinto ay nakita ko si Anthony na nakahiga sa kama.

Umalis ka dyan at magpapahinga ako.

Bakit?
Kama mo ba ito.
Sa pag kakaalam ko ay higaan ko to.


Sa pag kakaalam ko din ay patay ka na at hindi mo na kama iyan.,pinahiram sa akin ng tiyahin mo.

Bakit ba ang sungit mo.

Ah ikaw pa ang may ganang magtanong kung bakit.
Matapos mo akong pagurin at magmukhang tanga.

Oi joyce wag ka ng mag sungit, sorry na di ko naman talaga sinadya yon. Kung ikaw din naman ang nasa kalagayan ko. Maiintindihan mo din naman diba..

Ewan ko sayo Anthony.
Mag mula ngayon ako na ang bahalang mag hahanap ng hinahanap ko. Ayaw ko ng huminge ng tulong sayo.
At tungkol sa mission mo, gawin mo yon na mag isa..

Wag ka namang ganyan Joyce.
Ikaw nalang ang aasahan ko para bumalik ang aking mukha at makatawid sa kabilang lugar.

Lika na dito sa tabi ko at alam ko naman na masakit ang paa mo. Sa susunod di na kita papagurin.

Agad akong tumabi sa kanya.

So anu ang next plan natin Joyce.

Sa ngayon ay maghihintay muna ako ng tawag ng police.

Pwede bang tulungan mo ako joyce habang naghihintay ka ng tawag.

Anu naman ang tulong na gusto mo.

Gusto kong kausapin ang ex-girlfriend  ko.

At bakit mo naman kakausapin.
Kala ko ba nagtaksil sayo.
At ikaw na engot dahil sa isang babae ng pakamatay.

Oo na ako na ang nagkamali. Totoo nga na nasa huli ang pag sisisi. Pero nagmahal lang ako ng lubos.

Anu ang gusto mong sabihin sa kanya.


Gusto kong tanungin kung bakit niya ako pinagpalit. At kung may nagawa man akong pag kakamali ay ihingi mo ako ng tawad sa kanya para lumuwag na din itong dala dala ko sa aking dibdib.

Iba ka din ei. Agad agad kang magpakamatay ng di mo man lang inalam ang lahat.

Sige na Joyce,ikaw na lang ang nag iisang tutulong sa akin.

Oo na sige na panget, tutulungan na kita..

Dahil sa sinabi ko ay dali dali akong nakaramdam ng lamig.

Nakayakap na pala ang panget sa akin..

Anthony.....
Anu yang ginagawa mo...
At napatayo agad ako sa kama.

Alam mo bang wala pang nakakayakap sa akin at ikaw pang panget na multo ang makakaunang gagawa nun.

Sorry na Joyce na excited lang ako dahil may tutulong na sa akin.
Tsaka wag mo nga akong matawag na panget. Gwapo kaya ako.

San banda ka naman naging gwapo.
Dyan sa agnas mo ng pagmumukha.

Grabeh ka namang makalait sa akin..
Pag bumalik ang mukha ko wag mo akong pagnanasaan..

Mangarap kang multo ka.

Di ako ma iinlove sa tulad mo...

Pangetttt

Ang boyfriend kong MULTO(completed)Where stories live. Discover now