16

1.5K 30 3
                                    

Simon...

Upo ka muna.

Pano ka nga pala napadpad dito..
Sinong nagturo sayo na dito ako nakatira.

Nalaman ko kasi na kay aling chayong ka nakatira. Kaya kahapon nagpunta ako don,nasabi ni aling chayong na umuwe ka nga dito sa bayan niyo.

Ah ganon ba simon.
Anu palang sadya mo sakin at nagawa mo pa akong sundan dito.

Ah ganito kasi yon Joyce..

Magmula ng makita na kita sa aming bakuran ay di ka na naalis sa aking isip.
Nagkakamot ng ulo na sabi ni simon.

Ano naman ibig mong sabihin simon...

Bago pa man makapagsalita si simon bigla nalang akong may naramdaman sa tabi ko na malamig. Walang iba kung di si Anthony..

Hinawakan pa ako ng multo sa aking kamay. Kaya napaharap tuloy ako sa kanya.

Joyce honey..
Wag kang magpapaniwala dyan kay simon, kilalang kilala ko na yan. Di kayo nababagay.
Dahil ikaw at ako ang dapat na magkatuluyan.

Sabay yakap niya sa akin kaya ang buo kong katawan ay nilamig ng sobra at ang pintig ng puso ko ay nag uunahan.

Hey... Joyce ok ka lang ba. Bakit mukhang lamig na lamig ka sa itsura mo.

Ah sorry simon may naisip lang akong bigla ano pala yong sinasabi mo.

Bigla naman lumapit sa tabi ko si tonton.

Ay naku ate..
Di mo pa ba na gets ang ipinunta dito ni poge..

Tonton anu ka ba. Bakit nakikisabay ka sa usapan ng matatanda.

Ate si poge kaya nandito ay aakyat daw ng ligaw sayo?

Kaya napatingin nalang ako kay simon na kakamot kamot sa ulo habang nakangiti.

Tonton!
Pumunta ka na nga sa labas kung ayaw mong makatabi ang maligno na nakikita ko ngayon...

Ateeee naaaamaaaan..
Umalis na nag papadyak si tonton.

Simon anung sinasabi ng kapatid ko.

Oo Joyce aakyat sana ako ng ligaw sayo kung pwede lang. Kasi magmula ng makita kita sa aming gate di ka na nawala sa isip ko..

Ah kasi simon...
Pasensya na kaya lang di pa ako handa na magkaron ng boyfriend.

Dahil sa sagot ko ay kinuha ni simon ang juice na bigay ni nanay at akma na sanang iinumin ng bigla nalang siya mabuhusan..

Nanlaki ang aking mga mata sa nakita. Tinabig ni Anthony ang baso para mabasa si simon.

At nag tignan ko siya ay nakangisi lang sa akin.

Dali dali naman akong tumayo para punasan ang nabasa niyang damit kaya lang pinigilan niya ako.

Ok ka lang ba simon..

Oo Joyce wala ito..
Nadulas lang kasi ang aking kamay.

Mauuna na pala ako joyce. Salamat sa pag tanggap mo sa akin dito.
Wag ka sanang mag sasawa na patuluyin ako sa inyong tahanan.

Ok lang simon, pasensya na talaga sa nangyari..

Wala ito Joyce,di mo naman kasalanan.Sige mauuna na ako.

Sige simon mag iingat ka sa daan.

Hinatid ko na si simon sa labas ng bahay at nang makasakay na siya sa kanyang kotse ay bumalik na ako sa loob.

Nadadnan ko ang multo na ang ganda ng upo at nakadekwatro pa.
Agad akong tumabi sa kanya.

Ikaw multo ka,ano ba yang pinaggagawa mo. Alam mong nag uusap kame ni simon,nagawa mo pa talagang tapunan ng juice.

Alam mo honey yong mga ganong tao ay nakakaasiwang maging bisita. At ang katulad niya dapat pinauuwe agad. Wala din naman siyang mapapala sayo dahil nakuha ko na ang matamis mong oo.

Tigilan mo akong multo ka...

Honey naman...
Bee nga ang itatawag mo sa akin bakit ba ayaw mo..

Sa ayaw ko nga....

Pag tayo ko ay agad naman ding pagtayo ni Anthony.
Dahil sa di ko inaasahan na gagawin niya ay napatulala nalang ako.
Magkaharap kameng dalawa na sobrang lapit.
Amg buo kung katawan ay parang may ice na sa sobrang lamig. Ang pintig ng puso ko na nagwawala ay di ko na mapigilan.

Pinakatitigan kong mabuti ang kanyang mukha..

Tama...
May kakaiba sa kanyang mukha..
Tinaas ko ang aking kamay na para bang nahahawakan ko ang kanyang mukha..

Anthony...

Yong mukha mo... Nawawala na ng unti unti ang pag kaagnas..

May nagawa ka nabang maganda kaya nawawala na ang pag kaagnas ng mukha mo. Pabulong kong sabi habang abala ang kamay ko sa pag haplos sa kanyang mukha.

Hindi Joyce...
Ikaw!
Ikaw ang dahilan nito..
Tama ako sa aking hinala...
May pagtingin ka na din sa akin..

Pero...
Bakit ako Anthony..
Anung ibig sabihin nito..

Hoy!!!
Atee!!!!

Anu yang ginagawa mo dyan at may pabulong bulong ka pang sinasabi. At bakit yang mga kamay mo nakataas na para kang may hinahawakan..

Nag eensayo ka naba ng mga sasabihin mo kay poge...
Nakangiting sabi ni tonton...

Ton.... Ton!!!!!!!!
Sino yang sa tabi mo!!!!!!!
Agad kong sigaw at tumakbo sa aking silid para di na magtanong pa si tonton sa mga nakita niyang ginagawa ko..

Ang boyfriend kong MULTO(completed)Where stories live. Discover now