35

1.3K 21 0
                                    

Nanginginig ang buo kong katawan habang lumalapit ako sa kabaong,ayaw ko ng makita pa si christian na nakahiga don. Masakit para sa akin ang mga nangyayari lalo na at ako pa ang dahilan nito..

Muli akong lumingon sa diwata,nakikita ko din na nahihirapan siya sa aking ginagawa..

Nang malapit na ako ay biglang nakita ko si nanay..
Maga ang mga mata at humahagulgul sa tabi ni tatay..

Lalapitan ko muna sana sila para tanungin kong bakit nandito sila nang biglang pumunta si tonton sa aking tabi at dumungaw sa kabaong..

Ate!!!!

Umiiyak niyang sabi..

Bigla akong kinabahan..

Tonton tawag ko sa kanya ngunit di pa rin siya lumilingon..

Kaya hinawakan ko ang kanyang balikat para pigilan siya sa pag yakap ng kabaong ngunit di ko siya mahawakan.

Nayanig na ang buo kong katawan at humarap uli sa diwata ng may pagtataka.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay.

Tignan mo na Joyce ang kabaong..

Lumapit na ako ng tuluyan kay tonton at nanglambot ako sa aking nakita..

Papaanong nangyari na ako ang naroon.

Oo Joyce ikaw yan,natatandaan mo ba yong araw na nabaril ka.

Lahat ng mga nangyari ay totoo. Ito na ang katunayan na gusto mong makita.

Isa ka ng patay Joyce..

Pero paano po na nangyari na...

Joyce makinig ka.
Lahat nang mga naganap magmula ng pinabalik kita ay mga nakaraan kung paano kayo nagkakilala ni christian at kung paano siya humingi ng tulong sayo para makatawid.
Lahat yon ay totoo,pinakita ko lang sayo kung ano ang mga naganap noong buhay ka pa at ngayon na patay kana.

Kailangan mo ng tanggapin Joyce na hanggang doon nalang ang buhay mo.

Ngayon ay sinusundo na kita para makamit mo na ang tunay na kasiyahan.

Pero mahal na diwata paano ang pamilya ko.

Di man lang ako nakapag paalam ng maayos..

Joyce alam ko kung gaano ka kabait at kung gaano ka kamahal ng iyong pamilya.
Wala na tayong magagawa kung kinuha na ang hiram mong buhay.

Alam kong makakayanan nila ang lahat dahil tulad mo ang mga magulang mo ay matapang.

Magkikita pa naman kayo sa kabilang buhay. Don mo nalang sila patuloy na mahalin.

Halika na, wala na tayong oras dito sa lupa..

Muli kong sinilayan ang aking patay na katawan.

Niyakap ko si tonton na kahit na di niya ako nakikita.

Lumapit din ako kala nanay para yakapin sila sa huling pag kakataon.

Patawad nay at tay..
Sa muli po nating pagkikita..
Mahal na mahal ko po kayo.

Joyce halika na..

Lumapit na ako sa diwata na ang mga luha ay wala paring tigil..

Joyce tama na ang pagpapahirap mo sa iyong sarili..

Ipikit mo na ang iyong mga mata..

Muli kong sinilayan ang aking mga mahal sa buhay ng huling pagkakataon bago pumikit..

Habang nakapikit ako ay ramdam ko na nasa ibang lugar na kame..

Mga ibon na nagliliparan ang aking naririnig..
Malamig na simoy ng hangin at mga bulaklak na nagbabanguhan.

Joyce imulat mo na ang iyong mga mata.

Tulad ng una kong tapak sa lugar na ito, masasabi mo ng isang paraiso..

Lahat ng mga magaganda tanawin ay narito na.

Magmula ngayon ay ito na ang magiging tahanan mo joyce.

Siya nga pala hinihintay ka na ng iyong kaibigan.

Pag lingon ko ay ang tikbalang na aking sinakyan dati.

Mahal na diwata bakit ko po kailangan na sumakay ulit sa kanya.

Ihahatid ka niya na sa magiging tahanan mo Joyce.
Nandon ang kaligayahan mo. Sige na sumama ka na sa kanya.
Sa muli nating pagkikita joyce.. At bigla nalang naglaho ang diwata.

Magandang binibini..
Kinagagalak kong ihatid ka sa iyong paruruunan.

Marameng salamat maginoong tikbalang nakangiti ko ng sabi..

Nababagay saiyo ang ganyang ngiti binibini.

Tiyak kong lage ko ng makikita iyan magmula ngayon.

Halika na magandang binibini, sumakay ka na sa akin at may naghihintay na saiyo don...

Ang boyfriend kong MULTO(completed)Where stories live. Discover now