27

1.4K 23 0
                                    

Ate!!!?

Gising ka na ate!!!

Kinusot kusot ko ang aking mga mata bago bumangon..

Bakit ton-ton...

Ate pinapatawag ka ni nanay,maligo ka daw muna bago bumaba at don ka daw tumuloy sa kusina...
Nakangising sabi ni ton-ton.

Binatukan niya si ton-ton.

Ate naman eh...

At bakit ko pa kailangan maligo ton-ton.

Para mabango ka daw ate!!

Bago ko muli siyang mabatukan ay tumakbo na ito palabas ng aking silid.

Inamoy ko ang aking sarili..

Di naman ako mabaho ah, kaya lang amoy gamot ako..

Saglit lang akong naligo at tumungo na rin sa kusina..

O anak nariyan ka na pa..

Heto ang inyong meryenda ng bisita mo..

Ho?

Sabi ko dalhin mo itong hinanda kung meryenda at sabay na kayo ng bisita mo kumain.

Nay?
Sinu naman po ang bisita ko.

Yong naka bangga sayo anak,nariyan siya.
Sige na,pumunta ka na roon at kanina pa naghihintay sayo yon.

Kahit naguguluhan ako sa kinikilos ni nanay ay kinuha ko pa rin ang hinanda niyang meryenda at dinala sa sala.

Malapit na ako sa sala nang mapansin ko si ton-ton na nakikipag laro sa nakatalikod na lalaki..
Pamilyar sa akin ang ganoong likod.

Kaya dali dali akong tumungo doon at agad nilapag ang dalang pagkain.

Parang slow motion ang aking pag harap sa lalaki..

Dahil sa pagkagulat ko at pag tama ng aming mga paningin ay na out of balance pa ako.

Biglang nanglambot ang aking tuhod na siyang ikatumba ko sana, buti nalang mabilis ang lalaki at nasalo niya ako sa aking pagbagsak.

Nakahawak siya sa aking beywang paharap.

Bee!!! Pabulong kong sabi..


Hoy!!!!!
Ate!!!

Anung punagsasabi mo dyan..
Si ton-ton na pakamot kamot sa ulo..

Si kuya christian yan.. At hindi bee ang pangalan niya..

Nahihiya akong lumayo kay christian daw..

Sorry nagulat lang talaga ako.

Ito nga pala yong meryendang hinanda ni nanay,kumain muna kayo.

Magandang ngiti ang binigay sa akin ni christian..
Ok ka lang ba Joyce..
May nararamdaman ka ba.
Umupo ka muna..

At inalalayan niya pa ako sa tabi ni ton-ton paupo.

Ok lang ako. Sige na mag meryenda na kayo. Ubusin niyo yan ha,lagot kayo kay nanay pag di naubos yan.. Magtatampo yon,seryoso kung sabi.

Dali dali naman silang kumain ni ton-ton..

Pinag masdan ko si christian habang kumain..
Papaanong nangyari ang mga ito..

Si Anthony na boyfriend kung multo ay may kamukha na ang pangalan ay Christian.

Oyyyyy!!!!!
Si ate!!!!
Titig na titig kay kuya christian..
Gwapo di ba ate, pakindat kindat pang sabi ni ton-ton.

Kaya si christian na kumakain ay napatigil at matamis nanamang ngumiti sa akin.

Kaya numula akong napayuko at pasimpleng kinurot ang tagiliran ni ton-ton..

Atee!!!!
Masakit yan,pasigaw niyang sabi.
At nang mabitawan ko siya ay dali daling nagtungo sa kusina..

Naiwan kameng dalawa ni christian..

Ah Joyce,about pala sa pagkakabangga ko sayo. Humihinge ako ng tawad. Sana ay wag mo akong ipapakulong. Di ko naman sinasadya ang pagkabangga ko sayo.
Pauwe na kasi ako nun,dahil sa magdamag akong nasa opisina at may tinatapos ay wala akong tulog. Kaya nung nabangga kita ay nakatulog ako habang nagmamaneho.

Wala yon Christian..
Ang sabi naman ni nanay ay agad mo akong dinala sa hospital at ikaw pa daw ang gumastos lahat sa hospital.
Di mo naman sinadya na banggain ako. Kaya pinapatawad na kita. Seryoso kung sabi.

Marameng salamat joyce, talaga palang napaka buti mo?

Hah?

Sabi kasi ni ton-ton ay ubod ka daw ng bait at the best ate ka daw talaga.

Nahihiya naman akong napatingin sa kanya..

Naku, wag kang nagpapaniwala sa batang yon.

Ah Christian may kapatid ka ba o kakambal..

Kunot noo itong tumingin sa akin.

Wala Joyce,bakit?

Ah,wala naman.. Para kasing nakita na kita..

Joyce anak ito ang gamot mo,uminom kana.

Napatingin naman ako kay nanay na may dalang gamot..

Salamat po nay.. Sabay inom ng gamot.

Bakit di ka ata nagmeryenda anak.

Busog pa kasi ako nay..

Nagkausap na ba kayo ni Christian anak.

Opo nay,humihinge po ng tawad sa akin at napatawad ko naman na po siya.

Siya nga pala anak,kailangan mo palang pumunta sa opisina ni mayor,nais ka daw niyang makausap.. Ready ka na ba uling magtrabaho anak.

Opo nay sige po pupunta po ako don bukas..
Pero pupunta muna po ako sa hospital para magpatingin muna po.

Joyce maari ba ako nalang ang sumama sayo sa hospital, para makabawe naman sa nagawa ko sayo..

Naku christian ok lang ako, baka maabala pa kita sa mga gagawin mo.

Hindi ok lang wala akong gagawin bukas, susunduin kita bukas ha.
Nay mauna na po ako.
Sabay tayo ni Christian.

Kailan niya pa tinatawag na nanay ang nanay ko bulong kong sabi..

O siya sige christian mag iingat ka sa pag mamaneho.

Anak Joyce ihatid mo si Christian sa labas..

Tumayo na rin ako at hinatid si Christian,nang makasakay na siya sa kanyang sasakyan..

Joyce hintayin mo ako ha, sasamahan kita bukas..

O siya sige Christian at mukhang makulit ka din naman, nakangiti ko ng sabi kaya pakamot kamot ng ulo si christian ng isara ang pinto ng kotse.

Nang makaalis na siya ay para akong nabunutan ng tinik sa dibdib..

Totoo ka bee....
Nakangiti kong sabi ng pumasok ako sa aming bahay...

Ang boyfriend kong MULTO(completed)Where stories live. Discover now