FIVEMONTHS: Sus, sige lang. Deny lang kahit halata naman na nag-alala ka noong ‘di ako nag-reply. Saan na ‘yung sinasabi mo na ‘di ka mag-rereply kahit na mag-chat ako? Hahahaha

SQUASH: Hindi lang ako sanay.

FIVEMONTHS: Sanay saan?

SQUASH: Sanay na mauna kang umaalis.

FIVEMONTHS: Sorry ha? Hindi ko sinasadya. Hindi ko naman sinasabi na hindi na ‘yun mauulit. Pero lagi mong tatandaan na kahit mawala man ako bigla, babalik ako. Kung sinabi kong ‘di na ako babalik, ‘yun na ang araw na hindi na talaga ako magpaparamdam sayo.

SQUASH: Bakit ka nga ba biglang nawala?

FIVEMONTHS: Hiniram ako ng mga aliens.

FIVEMONTHS: Gusto raw nila ng gwapong kasama.

FIVEMONTHS: Nakiusap sila kung p’wede ko muna silang samahan.

FIVEMONTHS: Sabi ko ‘di pa p’wede.

FIVEMONTHS: Baka mamiss ako ng taong mahal ko.

FIVEMONTHS: Ayaw ko naman siyang iwan.

SQUASH: Ha. Ha. Ha. Ha.

FIVEMONTHS: Awts. Totoo naman e’. Sandali akong kinuha ng alien. Baka sa susunod, sasama na ako sa kanila. Nakiusap pa ako na ibalik muna ako sa earth kasi may naghihintay na Kalabasa. Hayun, naawa sila, ibinalik ako. Hahahaha

SQUASH: You’re crazy.

FIVEMONTHS: Totoo nga. Ayaw mo pa maniwala. Living evidence na ako oh.

Ayaw ko man na tanungin, hindi ko na mapigilan ang aking sarili. Hindi man niya sabihin sa akin nang direkta, alam kong mayroon siyang itinatagong karamdaman. Hindi ako tanga para hindi malaman ang mga salitang nakapaloob sa mga chat niya. Una pa lamang, alam ko nang aalis din siya sa buhay ko. Sinubukan ko naman siya na itaboy ngunit para siyang linta kung makakapit.

SQUASH: How many days?

FIVEMONTHS: Hah?

SQUASH: You’re dying right?

FIVEMONTHS: Anong pinagsasabi mo?

SQUASH: Alam kong aalis ka lang din. Ngayon pa lang, sabihin mo na nang makapaghanda ako.

FIVEMONTHS: Anong ihahanda mo? Manok na lechon o manok na nilaga?

SQUASH: Look, seryoso ako sa tinatanong ko. Hindi na ako nagbibiro.

FIVEMONTHS: Hala, sana huwag kang magalit. Masakit sa puso.

SQUASH: Then tell me, hanggang kailan?

FIVEMONTHS: Kailan ang alin?

SQUASH: Stop making fun of me. Sabihin mo kung ano ba talagang nangyayari kasi naiinis na ako sa sarili ko!

SQUASH: Ayaw ko na iniisip kita dahil hindi ako maka-concentrate. Naiinis ako dahil noong ‘di ka na nag-reply, nag-alala ako. Naiinis ako dahil may pakialam na ako!

FIVEMONTHS: Squash..

SQUASH: Noong iniwan mo ako bigla noon, hindi na ako makatulog agad. Nakakainis na nakakapikon. Noong una pa lang, alam kong mawawala ka rin kaya hindi kita pinakialaman. Pero chat ka pa rin nang chat. Alam mo bang nakakagago ang pakiramdam na ganito?!

FIVEMONTHS: Sorry.

SQUASH: JUST TELL ME!!!

FIVEMONTHS: Galit ka ba?

SQUASH: Tangna! Sabihin mo sa akin kung ano bang ‘tong pinaggagawa mo sa akin!

SQUASH: Ano ‘to? Lumapit ka dahil trip mo lang talaga?!

WRITER'S HOUR (PUBLISHED under IMMAC PUBLISHING)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt