FIVEMONTHS: Ako ba, may halaga ako sa’yo? Kailan mo ba ako susuklian? Kahit 25 centavos na lang, tatanggapin ko. At least it’s something to be thankful.

FIVEMONTHS: Squash, mag-reply ka naman ‘oy. Alam kong nan’dyan ka. Huwag mo akong i-seen.

FIVEMONTHS: Ay oo nga pala. Alam mo bang minahal ko na ang characters mo sa Kipp’s Diary?

FIVEMONTHS: Lalo na si Kipp. Sobrang gustung-gusto ko ang ugali niya. Pareho kasi kami nang pananaw.

FIVEMONTHS: Habang nagbabasa ako noon sa mga gawa mo, dami ko rin napagtanto.

FIVEMONTHS: Napagtanto ko na kapag nagbabasa tayo, hindi tayo nahuhulog sa mga tauhan dahil sa kanilang itsura. Nahuhulog tayo sa kanilang mga salita, sa mga iniisip nila, sa kanilang personalidad at sa kanilang puso. Napapamahal tayo sa kanilang pagkatao.

FIVEMONTHS: I realize how powerful your words as a writer. Thanks Squash.

FIVEMONTHS: Na-realize ko rin na hindi ang Disney Land ang pinaka-masayang lugar sa mundo. Kundi sa lugar kung saan masaya tayong dalawa. Kaso nga lang, wala pang tayo, nasa panaginip ko pa lang.

FIVEMONTHS: Ang sweet ko ‘di ba?

FIVEMONTHS: Sana mayaman na lang pala ako. ‘Yung yaman na kayang bumili kahit hangin.

FIVEMONTHS: Hindi naman ako mayaman at wala naman akong powers para bilhin ang kahapon.

FIVEMONTHS: Pero handa akong utangin ang bukas makasama ka lang nang matagal na panahon. Kung p’wede lang. Hahaha.

FIVEMONTHS: Squash nasaan ka na?

FIVEMONTHS: Talaga bang nagalit ka? Talaga bang ‘di ka na mag-re-reply?

FIVEMONTHS: Kahit saan ka man, hahanapin kita. Luluhod ako sa harapan mo, with matching beans sa luluhuran ko para intense. Mapatawad mo lang ako.

FIVEMONTHS: Nangangawit na ang kamay ko kakahintay sayo:(

FIVEMONTHS: Hanggang kailan ba ako maghihintay?

FIVEMONTHS: Kapag kasal tayo, huwag mo akong paghintayin sa altar ha?

FIVEMONTHS: Baka ma-heart attack ako.

FIVEMONTHS: Squaaaash!!!!

FIVEMONTHS: Malapit na pala birthday ko. Gusto kong gift ay ‘yung magkita tayo.

FIVEMONTHS: Tapos kakanta ka sa harap ko.

FIVEMONTHS: Alam kong kakayanin mo.

FIVEMONTHS: Huhuhuhu nilalamok na ‘yung phone ko.

FIVEMONTHS: Nagrereklamo na sa tagal mo.

I let out a huge breath. I continue to stare at my laptop for much longer than I read the text. I don’t even message him back, because I’m still relishing the things he’s saying to me. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang gawin, alam kong may nararamdaman siyang sakit pero nagagawa pa rin niyang magsabi ng mga ganito. Para siyang nakalaklak ng sangkaterbang enervon dahil sa sayang lagi nitong ipinapakita. Huminga ako ng malalim bago nagtipa ng mensahe.

SQUASH: May nagtanong?

FIVEMONTHS: Woaaah!

FIVEMONTHS: Shit!

FIVEMONTHS: Owemgi!!!

FIVEMONTHS: Party party!! Yuuhooo! Saya saya ko naman. Akala ko ‘di mo na ako paninindigan. Hahaha.

FIVEMONTHS: Hi there Kalabasa. Pasensya ka na kung iniwan kita noon bigla. I’m so sorry.

SQUASH: I don’t care.

WRITER'S HOUR (PUBLISHED under IMMAC PUBLISHING)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt