XXXIX. Sloth

481 23 14
                                    

_______________

There are times when one is tempted to say that the great,
sprawling, lethargic sin of Sloth is the greatest and oldest of the sins
and the parent of all the rest.

- Dorothy L. Sayers

_______________

Napaupo lang si Kria sa malamig na sahig, her hands were shaking. Hanggang kailan ba niya kakayanin ang ganitong trato sa kanya ni Corvette?


She only wanted him to see her as her. And not as a tool to use when he wanted.


Isinubsob ni Kria ang kanyang mukha sa kanyang mga tuhod as she curled herself in the cold floor. Tears flooded her eyes.


"Ano ba itong ginawa ko?" hikbing tanong niya sa kanyang sarili. Sa paghahangad niyang mahalin siya ni Corvette, she lost herself in the process.


Nasaan na ang Kria na matapang na hinarap ang buhay kahit na walang mga magulang ang nagpalaki sa kanya? Is this all she'll ever amount to?


"You're just a pawn"


Umalingawngaw sa kanya ang sinabi ni Corvette at muli siyang napahikbi. She wanted to convince herself na dala lamang ito ng galit, ngunit habang binabalikan niya ang lahat ng ala-alang kabilang si Corvette ay lalo lamang tumitibay ang paniniwala niya sa mga katagang binigkas nito bago siya nito iwan.


His affections always translated into ownage.


Theirs were never a relationship, it has always been acquisition.


Muling tumulo ang mga luha sa mata ni Kria. "Ang tanga tanga mo Kria" bulong niya sa kanyang sarili.


Not once has Corvette ever told her that he loved her, not once has he ever responded to her I love you's.


Siya lamang ang nagmamahal. While he? He played and used her for his own reasons. Binalaan na siya ni Hellene at Chaos tungkol kay Corvette ngunit hindi siya nakinig.


She was just his toy. 


Inilibot ni Kria ang kanyang paningin sa mga manikang nasa estante sa sala ng bahay ni Corvette. He always called her his doll. Nayakap ni Kria ang sarili habang lumuluha.


Hanggang kailan ba siya matatauhan? Dahil hindi niya maikakaila sa kanyang sarili na kahit ganoon pa man ay mistulang hawak na ni Corvette ang lahat ng mayroon siya.

DollhouseWhere stories live. Discover now