"Ate, naman. Sinisira mo ang magandang umaga ko, eh. Kayakap ko na ang pinakakamamahal kong si Jz, ipinaghiwalay mo pa kami!" sikmat niya sa kapatid na napilitang bumangon sa kanyang kama.

"Aba, aba, nagrereklamo ka pa? Pagkatapos kitang gisingin diyan para makapasok ka sa trabaho mo eh, magrereklamo ka pa? Hindi mo ba nkikita ang oras? Alas dose ng tanghaling tapat at nanaginip ka pa? Diyos ko! Magha-half day ka na nga lang, magpapa-late ka pa? Naku, kung ako itong boss mo eh, ipapatanggal na kitasa trabaho mo." Sermon nitong inaayos ang kanyang kama. Samantalang siya naman ay napilitang bumaba sa kanyang kama nang mahina siyang itulak ng kanyang ate para umalis na sa kanyang hinihigaan. "Hala, maligo ka na nga roon nang makakain ka pa bago umalis."

"Okay, okay, heto na at maliligo na ang prinsesa."Napakamot sa ulong wika niya.

Nababadtrip kasi siya sa hindi na ring mabilang na panaginip niya na naglalaman sa isang taong iniibig ng puso niya eh, hindi na naman natuloy ang yakapan nila.

Gusto na nga rin niyang mawalan ng pag-asa na malapitan at mayakap niya ang kanyang iniidolo slash iniibig ng kanyang puso at mapapangasawa na walang iba kundi si Jz Zamora. Ang isa sa sikat na 'myembro ng paborito't hinahangaan niyang boy group ng bansa.

Haayyy... malalapitan, mayakap at mahahalikan din kita mahal ko. Tiwala lang at pasinsya, maaabot din kita. Matamis siyang ngumiti habang yakap niya ang sarili na pumasok sa banyo.

"DAMN, ang malas ko naman. Kung saan na wala akong dalang payong saka naman umulan!" napabuga ng hangin si Neszie nang lumabas siya sa Super Market. Hinabilin kasi ng kapatid niyang si Ruzielle na mag-grocery muna siya bago umuwi ng bahay, dahil paubos na ang stock nilang pagkain sa bahay at sa katapusan pa ng buwan ang sahod ng ate niya.

Nagkataon pa'ng masakit ang ulo niya at mahaba ang pila sa sakayan ng FX. Kaya napagdesisyunan na lamang niyang mag-abang ng Taxi para makarating kaagad sa kanilang bahay at makapagpahinga.

Inaayos niya ang pagkakahawak sa kanyang pinamili at agad na pinara ang paparating na Taxi. Nang huminto iyon ay nagmamadali siyang lumapit para sumakay, ngunit hindi pa man niya nahawakan ang pintuan ng Taxi ay may isang lalaking nagmamadali rin na binuksan ang pinto at sumakay.

"Hey, sandali! Ako ang pumara sa Taxi na ito, kaya akin 'to."

"What? No, ako ang unang nakakita at pumara sa Taxi, kaya akin 'to," sagot nito nang lingunin siya.

Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil sa suot nitong hood ng jacket nito na pinatungan ng puting itim na sombrero. Hindi pa man siya nakasagot dito ay tumalikod na ito sa kanya para isara ang pinto at sa inis niya ay pinigilan niya sa suot na jacket ang lalaki para ipaliwanag dito na siya talaga ang unang nakakita sa Taxi. Ngunit hindi pa man niya naibuka ang kanyang labi ay muling nagsalita ang lalaki.

"I'm sorry, Miss. But I'm in a hurry and I really have to go. Excuse me," wika nito na inalis ang kamay niyang nakahawak sa jacket nito at mabilis na isinara ang pintuan ng Taxi.

"Hey, teka lang, Mister. Sandali! Hey! Hey! Shit!" mariin siyang napamura at asar na asar na ipinadyak ang kanyang mga paa bago tumakbo pabalik sa kanyang kinatatayuan kani-kanina lang nang mabilis na humarurot paalis ang Taxi palayo sa kanya. "Bastos na lalaking 'yun. Napaka-ungentleman naman niya!" inis niyang ibinaba ang kanyang pinamili at pinunasan ang parte ng katawan niyang nabasa ng ulan. Nagmukha tuloy siyang katawa-tawa sa ayos niya na tila isang basang sisiw dahil sumulong siya sa ulan para sumakay na sana ng Taxi. Ngunit sa kasamaang palad eh, naunahan pa siya ng isang napaka-ungentleman na nilalang na nagpadagdag sa kamalasan niya ngayong araw. "Oh no! I'm looked like a mess!" napabuga siya ng hangin.

"Ineng, nahulog ang wallet mo," napaangat siya ng mukha sa may edad ng babae na may hawak na itim na wallet at inaabot iyon sa kanya. "Nakita ko 'yan diyan 'uh, sa gilid ng kalsada kung saan na sasakay ka na sana ng Taxi ngunit naunahan ka ng lalaki." Dagdag pa nito na ngumiti sa kanya.

"Ha? Ah, eh, h-hindi sa ak-,"

"Uh, heto, may parating ng Taxi, Ineng," agaw nito sa sasabihin sana niya at ito na ang kusang pumara sa Taxi. "Sumakay ka na at baka magkakasakit ka pa. Nabasa ka pa naman ng ulan at posibleng magkakasakit ka kapag hindi ka pa nakapagbihis ng tuyong damit," anito.

Wala sa sariling tinanggap niya ang inabot nitong wallet sa kanya. "Naku, Ale, maraming salamat po," sinserong pasasalamat niya nang tulungan pa siya nitong makasakay sa Taxi. "Kayo, po? Baka gusto niyo na po'ng sumabay sa akin," alok niya.

"Naku, huwag mo na akong alalahanin, Ineng. Diyan lang naman ako sa kanto 'tsaka may payong naman ako. Ang alalahanin mo ay ang iyong sarili dahil nabasa ka na ng ulan." Nakangiting sagot nito.

"Sige, po. Maraming salamat po, uli. Mauna na poako, Ale," aniya at isinara na ang pinto ng Taxi. Kahit papaano ay napangiti siyang napasandal sa kanyang kinuupuan sa isiping may isa pa'ng katulad ng Ale na concern sa kapwa. Unlike sa napaka-ungentleman na lalaking nakipag-unahan sa Taxi na pinara niya. Napaingos siya ng maalala ang lalaking nang-agaw sa pinara niyang Taxi. Saka niya naalala ang wallet na na iniabot sa kanya ng matanda na kasalukuyang hawak pa rin niya.

Napaismid siya. Malamang ang lalaking nakipag-agawan sa kanya ng Taxi ang may-ari no'n. Bubuksan na sana niya ang hawak na wallet para alamin kung may makikita siyang impormasyon tungkol sa may-ari niyon nang tumunog naman ang cell phone niya. Kaya, dali-dali niyang binuksan ang kanyang bag at kinuha ang nag-iingay niyang cell phone at sinagot iyon nang makita ang pangalan ng ate Ruzielle niya.

Pansamantala muna niyang itinago sa bag niya ang wallet na ibinigay sa kanya ng matanda at saka na lamang niya alamin ang laman niyon dahil nag-umpisa na rin siyang humatsing habang kausap niya ang kapatid sa hawak niyang cell phone.

"ATE!?!"

Umaalingaw-ngaw ang malakas na boses ni Neszie sa loob ng kanilang kabahayan isang umaga. Dalawang araw siyang hindi nakapasok sa kanyang trabaho sa dahilanang nagkasakit siya dulot ng pagkabasa niya sa ulan noong nakaraang dalawang araw.

Humahangos na pumasok ang ate Ruzielle niya sa kanyang kwarto. Bakas sa mukha nito ang pag-alala at takot sa anumang nangyari sa kanya. Na tila ba may kung anong masamang nangyari sa kanya dahil dalawang araw rin siyang nagkasakit. At sa tuno ng boses niya ay dinaig pa niya ang tunog ng bombero at ambulansya.

"Anong nangyari? Okay ka lang ba?" tanong ng ate Ruzielle niya na halata pa rin sa boses ang pag-alalanang makapasok sa kanyang kwarto. "May masakit ba sa'yo? Gusto mo isusugod kita sa hospital?" dagdag panito na dinama ang kanyang leeg.

"No, Ate. Ate, no!" nagtitiling inilayo niya ang sarili sa nag-alalang anyo ng kanyang kapatid. Tumalon-talon pa siya na tila ba nakajackpot siya ng ilang milyong peso sa lotto ayon sa ikinikilos niya. Hindi pa nakuntinto sa pagtalon-talon at masaya pa'ng ibinagsak ang kanyang katawan sa malambot niyang kama habang patuloy sa pagtitili na tila sinasaniban siya ng masamang kaluluwa.

"Neszie, ano ba? Ano ba ang nangyayari sa'yo?" ang ate niya na napalitan ng pagtataka at pagkunot ng noo ang kanina'y pag-alala na nakalarawan sa mukha nito dahil sa inaakto niya.

Ngunit patuloy lamang siya sa pagtitili na animo'y kinikiliti. At halos hindi na magawang makapagsalita dahil sa sobrang saya. Nagpagulong-gulong pa siya sa kanyang kama at muling tumili habang may mahigpit na niyayakap sa kanyang dibdib.

Isang itim na wallet. Ang wallet na iniabot ng matanda sa kanya noong nabasa siya ng ulan. Ang wallet na dahilan ng pagtitili niya dahil sa sobrang saya at ang wallet na magiging daan ng pagbabago ng kanyang buhay, ng kanyang pangarap at ng kanyang pag-ibig.

Ano naman ang meron sa wallet na niyayakap niya? Para tumili siya na tila nasusunugan sila?

Love Shot by CatchMe (Complete)Where stories live. Discover now