Epilogue

32K 807 25
                                    

NANININGKIT ang mata niya habang nakatitig sa asawa niyang nilalandi ng isang babae. Nasa isang sosyalang party sila ng asawa niya, hindi nga sana siya sasama sa asawa niya kaso lang napilit din siya nito ng sabihing isang oras lang sila doon.

Kaso nakakatatlong oras na sila hindi pa sila maalis na dalawa sa party dahil na din sa babaeng nakadikit ng nakadikit sa asawa niya. simula ng dumating sila doon hindi na ito hiniwalayan ng babae, palibhasa wala siyang interest sa negosyo kaya hindi siya masyadong nagdidikit sa asawa niya.

"Mata mo"bulong sa kanya ni Diwata.

Naging kaclose na niya ang asawa ng kaibigan ng asawa niya na si Diwata na palagi niyang nakakasama dahil na din madalas na magkasama ang mga asawa nila. Kagaya ngayon na nasa party din ang asawa nito.

"Nakakainis, parang linta"ganting bulong niya.

Nagngingit-ngit na siya sa galit sa loob-loob lang niya pero kung titignan silang dalawa ni Diwata mga nakangiti naman sila sa mga tao kala mo nga masayang nagkukwentuhan ang dalawa.

"Lapitan mo na kasi ang asawa mo"pagbubuyo pa ni Diwata sa kanya.

Nakaismid na napatingin siya sa katabi niya, nakita niyang hindi naman pala ito nakatingin sa kanya. na gaya niya sa asawa lang din nito nakatingin ang kausap niya, na gaya din ng asawa niya may lumalandi ding babae.

"Shit, asawa mo din pala nilalandi ng iba"bulong niya sa kaibigan.

"Higad 'yan, makati"bulong ni Diwata sa kanya.

Gusto niyang matawa sa tinatakbo ng usapan nilang dalawa ni Diwata pero kailangan maging poise pa din sila dahil madaming nakatitig sa kanila.

Nakita niyang lumingon sa kanya ang asawa niya sabay angat ng basong hawak nito na may Champaign at napakatamis ng ngiti na tinitigan siya. Inirapan naman niya ito at umiwas ng tingin sa asawa niya. pinaparating niya dito na naiinis na siya sa asawa niya.

"Gaga, alis na kami"bulong sa kanya ni Diwata.

Nagulat naman siyang napalingon sa kasama niya ng iniwanan na siya nito ng hindi siya hinintay na makasagot dito.

Hindi naman lumapit ang asawa nito, paano kaya nito naaya si Lance na uuwi na sila, mukha pa namang nag-eenjoy ang asawa nito sa pakikipag-usap sa mga kapwa nito negosyante.

"What are you looking at?"napaigtad siya ng marinig niya ang boses ng asawa niya sa likuran niya.

Nakairap na tinignan niya ito ng masama.

"Umuwi na tayo"matigas niyang bulong dito.

Hindi na niya hinintay pang sumagot ito at iniwanan na niya ito, bahala na itong sumunod sa kanya kung susunod man ito o hindi. Gusto na niya talagang umuwi dahil sa anak nilang naiwan lang sa pangangalaga ng yaya nito.

"Is there any problem with us, queen?"nag-aalalang tanong sa kanya ni Ezekiel ng nasa labas na sila ng building.

Pero hindi niya ito kinausap pa at hinintay nalang ang sasakyan nila na huminto sa harapan nila.

"Wife"tawag sa kanya ni Ezekiel.

Hindi niya pa din ito kinausap hanggang sa dumating na ang sasakyan nila. Nasanay na si Ezekiel na may sarili silang driver kaya naman sa likod lang ang sakay nila palagi.

Naramdaman niya ang paglapit sa kanya ni Ezekiel at maging ang pagdantay ng kamay nito sa hita niya. pinagtaasan niya ito ng kilay sabay tabig ng kamay nito sa kanyang hita. Doon palang obvious nag alit siya sa asawa niya kaya malalim na napabuntong hininga ito bilang sagot sa pagtataray niya.

GENTLEMAN'S QUEEN #3: PENELOPEWhere stories live. Discover now