nine

18.8K 562 7
                                    

"Where have you been?"tanong sa kanya ni Ezekiel.

Nakahiga na sila ngayon sa kama niya, matapos niyang magamot ang tinamong bogbog nito sa kanya inaya na niya itong mahiga.

"Sa..."hindi niya alam kung anong sasabihin niya dito.

Aamin ba siya na sa isang trabaho niya siya nanggaling.

"Your co-teachers say that you were sick. Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"puno ng pag-aalala ag boses nito.

Nakaunan siya sa dibdib nito kaya naman umayos siya at hinarap niya ito. bakas sa maamo nitong mukha ang pag-aalala sa kanya.

"Sa tita ko ako nagpalipas ng lagnat ko. Naiwan ko ang cellphone ko dito"pagsisinungaling niya pero totoo naman ang huling sinabi niya.

Tumayo siya at kinuha sa drawer niya ang cellphone para ipakitang naiwan nga niya ang cellphone niya.

"I so worried sick about you"puno pa din ng pag-aalala ang boses nito.

"Sorry kung pinag-alala kita"aniya naman dito.

Nahiga na naman siya sa tabi nito, hinapit naman siya nito palapit dito at niyakap.

"Wag mo na uulitin ang disappearing act mo na iyon. sobrang nag-alala ako sayo"aniya dito.

"Yes sir"sumaludo pa siya dito.

Matagal silang nasa ganoong posisyon ni Ezekiel bago muling nagsalita ang binata.

"I though I lost you"anito.

Hindi naman niya sinagot ito at hinayaang magsalita pa ang binata.

"Noon hindi kita matawagan o makita, para akong mababaliw sa kakahanap sayo. Then I realize something"dagdag nito.

Umayos naman siya ng higa, tumagilid siya paharap sa binata para makita niya ang mukha nito.

"I don't know much about you, I just know your name, your current address and your phone number. Bukod sa mga alam ko pa sayo noong mga bata tayo. But bukod doon wala na, and oh meron pa pala, kung saan ka nagtatrabaho. I bet you didn't know much about me either"sabi nito.

Tumagilid na din ito paharap sa kanya kaya ngayon magkaharap na silang dalawa. kaya naman kitang-kita niya ang mukha nito na puno ng pagmamahal na nakatitig sa kanya.

Possible pala iyon na sa maikling panahon mamahalin mo ng ganito katindi ang isang tao. Nagi-guilty tuloy siya dahil may lihim siyang hindi niya masabi sa binata. Ngayon na gustong malaman ni Ezekiel ang mga importanteng bagay tungkol sa kanya.

"Pen...Princess"tawag nito sa kanya.

Hinaplos nito ang kanyang pisnge.

"My parents died the day you and your parents got here in Manila, they died because of a car accident. Si Auntie Brenda na ang kumupkop sakin, dinala niya din ako dito sa Manila after ng libing ng parents ko. Dito ako nagtuloy ng pag-aaral. Pero ng mag18 na ako, pinabayaan na ako ng Auntie ko. Sinuportahan lang niya ako sa pag-aaral ko hanggang sa makatapos ako ng pag-aaral. Then ng magkatrabaho na ako huminto na ang Auntie ko sa pagsuporta sakin."kwento niya dito.

"I'm sorry about your parents, sana nandoon ako ng mangyari iyon"bulong sa kanya ni Ezekiel.

"Don't be, hindi naman natin parehas na mangyayari iyon."

Hinapit siya nito at niyakap ng mahigpit, naramdaman din niya ang mga halik nito sa kanyang noo at buhok. Ginantihan din niya ng yakap ang lalaki.

"I love you, my Princess"bulong na naman nito sa kanya.

GENTLEMAN'S QUEEN #3: PENELOPEWhere stories live. Discover now