Fourteen

17.5K 486 5
                                    

MONTHS later, nasanay na siyang palaging kasama si Ezekiel. Magkakahiwalay lang sila kapag nasa opisina na ito at nagtatrabaho na ito.

"Uwi ka na please"paglalambing niya.

Tumawa naman ito ng malakas, kasalukuyan silang magkausap sa cellphone. Nagpaalam kasi ang nobyo niya na pupunta ito ng fortress dahil may kailangan itong sabihin sa mga kaibigan nito na hindi daw niya pwedeng malaman.

"Princess, hindi pa pwede. Si Leigh palang ang nandito"tumatawa nitong sagot.

Mula din kasi ng makalabas siya ng ospital magkasama na sila sa bahay ni Ezekiel. Pero hindi naman sila nagtatabi MADALAS. Pero may pagkakataon na magkatabi sila sa pagtulog na dalawa.

Kasal nalang talaga ang kulang sa kanilang dalawa ni Ezekiel.

Pero sa ngayon iyon ang pinakalast priority niya, dahil alam niya hindi pa natatapos ang problema niya. Hangga't nakalaya pa ang 'lolo' niya, hindi pa siya tuluyan na malaya.

Kinikilabutan siya kapag binabanggit niya ang salitang 'lolo'. Hanggang ngayon hindi pa din siya

"Sino mas importante sayo?"tanong niya sa binata.

Sa tingin niya nagiging irrational na siya at isip bata nitong mga nakaraang araw. Pansin din niya napaclingy niya kay Ezekiel, gusto niya palaging kasama ang binata.

"Princess, ikaw ang pinakaimportante sakin. But I will say na ngayong gabi kailangan kong suwayin iyang gusto mo kasi kailangan ko talagang magstay dito"

Nakapout na pinatay niya ang tawag kahit na hindi pa siya nagpapaalam dito.

Bahala siyang mag-isip kung galit ako o hindi.

She's beig irrational again.

Naiinis na nahiga siya sa kama ni Ezekiel, this night feel niyang matulog sa tabi ng binata kaya nandoon siya. Pero ilang minuto palang siyang nakakahiga bumangon siya at inabot na naman ang cellphone niya at tinext si Ezekiel na ilang beses na palang nagmissed call sa kanya.

Sinabi niyang okay lang na magstay doon ang binata at hindi siya galit. Pero ang totoo may plano na siyang sundan ito para mapilitan na itong umuwi.

Sa pagkakahiga kasi niya sa kama ni Ezekiel, at ng maamoy niya ang pabango nito. nag-init bigla ang buo niyang katawan.

Nakakahiya mang aminin pero, biglang gusto niyang makipaglove making ngayon kay Ezekiel.

Mabilis lang ang pag-aayos niya ng sarili niya at agad siyang nakaalis, nagtaxi lang siya. May binigay na sa kanyang sasakyan si Ezekiel pero mas madalas nakikisakay lang siya kay Ezekiel o kaya naman nagtataxi lang siya.

Mahina pa din kasi ang kamay niya, may time pa nga na nabibitawan niya ang mga hawak niya. kapag bigla nalang parang mama-manhid ang kamay niya nawawalan ng pwersa ang kamay niya na makahawak.

"BROD, ang OA ng gusto mong mangyari"kantiyaw sa kanya ni Leigh.

Wala naman siyang pakialam sa sinabi nito sa kanya. ni hindi nga niya pinansin ang suggestion nito ngayon. Kaya naman kasi niya pinatawag ang mga kaibigan niya ngayon hindi para manghingi ng suggestion, kundi ang magpatulong nalang sa nabuo niyang idea.

He was planning to propose to his love of his life, Penelope.

Pero sana naman ngayon makuha na niya ang pinakaaasam niyang sagot mula sa dalaga.

Kasi sa totoo lang nakailang wedding proposal na siya dito pero hindi pa din ito pumapayag.

But this time hindi na siya papayag na 'no' pa din ang isasagot nito sa kanya. he will make it sure na papayag ito ngayon sa kanya.

GENTLEMAN'S QUEEN #3: PENELOPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon