Four

23.8K 659 10
                                    

"E"tawag sa kany ni Pen.

Inaya niya itong kumain sa isang kilala restaurant, tahimik lang silang dalawa mula ng dumating silang dalawa doon. Maging sa pag-order nila ng pagkain hindi sila masyadong nag-iimikan na dalawa.

Kaya naman nagulat siya ng tawagin siya nito ngayon.

"Yes, Pen?"

Nang tignan niya ito nakatitig pala ito sa kanya at seryoso ito kung titignan.

"Why are you doing these?"deretsang tanong nito sa kanya.

Para namang naumid ang dila niya sa tanong nito sa kanya.

C'mon Kiel, show her your courage this time. Tell her what you truly feel's about her. Kausap niya sa sarili niya.

"I just...want...to...thank you...yeah..i want to thank you for taking good care of Choco for me when I'm not around"gusto niyang kutusan ang sarili niya sa naging sagot niya.

Ang labo naman kasi ng nasabi niya.

Fvck you Kiel, and torpe mo.

Para naman nabunutan ng malaking tinik si Penelope sa naging sagot niya. nakita niyang ngumiti din ito habang nakayuko at nakatitig na sa pagkain nito.

"I thought you said it was a date. But its okay, its part of my job. Isa pa Choso is a very bright kid and also a very adorable ang lovable one in my class kaya madali lang kaming naging close. You don't have to do this next time, a simple thank you will do"mahinhin na sagot naman ni Pen sa kanya.

May gusto pa sana siyang sabihin sa dalaga pero parang nalunok na din niya ang dila niya habang kumakain sila kanina. Kaya naman walang gustong lumubas na salita mula sa kanyang mga bibig.

Nginitian nalang niya ito at nagpatuloy sila sa pagkain nila ng hapunan. Hanggang sa matapos silang kumain wala siyang maisip na sabihin dito kaya naman tahimik lang silang dalawa.

"So..."si Pen ang unang nagsalita sa kanila ng maihatid na niya ito sa apartment nito.

"Ahm...good night Pen"iyon nalang ang nasabi niya sa dalaga.

Nginitian naman siya nito. "Good night too Ezekiel" tugon nito bago ito bumaba ng kotse niya.

Nang makita niyang nakapasok na ang dalaga sa loob ng apartment nito bigla naman niyang inihampas ang ulo niya sa manebela.

"Torpe..torpe...torpe"paulit ulit niyang bulong sa sarili niya habang inuuntog ang ulo sa manibela.

Nang makontento na siya nakakauntog sa ulo niya doon lang siya nagkalakas ng loob na paandarin na ang sasakyan niya at tuluyan ng umuwi sa condo niya.

Mag-iisip na naman siya ng bagong strategy niya sa susunod na magkita sila ni Pen.

_____________________

Kanina pa siya nasa rooftop at naghihintay ng target niya. Matapos siyang ihatid ni Ezekiel kanina after ng dinner nila nakatanggap siya ng isang email mula sa auntie niya.

Nilalamok na nga siya ngayon sa puwesto niya pero wala pa din hanggang ngayon ang hinihintay niya. dapat nga kanina pa iyon dumating, pero mukhang mabubulilyaso pa ang trabaho niya.

Well hindi naman masyadong malaking trabaho ito. simpleng business man lang naman ang itutumba niya ngayong gabi.

Naiinis nga siya sa boss niya, hindi ito ang totoo niyang mission. Pero sabi ng big boss nila baka nangangalawang na ang skills niya kaya magpractise na daw muna siya.

GENTLEMAN'S QUEEN #3: PENELOPEWhere stories live. Discover now