Twenty

22K 566 26
                                    

MAKULIMLIM ang panahon ngayon, nakikibagay sa okasyon na pinagdiriwang nila. O mas mainam na sabihin ginugunita nila.

Ilang taon na ba ang lumipas simula ng araw na iyon. Isa, dalawa, tatlong taon na pala parang kailan lang nangyari ang gabing iyon sa kanila ni Penelope pero lahat malinaw pa sa alaala niya.

Parang nararamdaman pa din niya ang sakit ng nakalipas ngayon. Sariwa pa lahat sa kanya, hindi nga siya makamove on sa nangyaring iyon sa buhay niya. na hanggang ngayon dala-dala pa din niya.

Hanggang ngayon hindi pa din niya tanggap na nawala sa siya sa kanila. Na kahit na anong gawin niya hindi niya na ito maibabalik sa kanya.

Hinaplos niya ang lapida at inalis ang ilang nakatabing na natuyong dahon doon.

Nagsindi na din siya ng kandila at inilapag na din niya ang bulaklak na dala-dala niya. pumikit na din siya para mag-usal ng maikling panalangin para dito. Ngayon ang ikatatlong taong anibersaryo ng pagkawala niya.

Tatlong taon na pero hindi pa din niya matanggap na wala na siya sa piling niya.

"Tito handsome!"masayang tawag sa kanya ni Choco.

Pagmulat niya ng mata niya nasa tabi na niya ang pamangkin niya at nanggugulo na sa kanya.

"Choco"saway niya dito.

Isip bata pa din ang pamangkin niya kahit na walong taong gulang na ito ngayon. Pero okay lang din naman dahil ito ang nagbibigay ng saya sa pamilya nila ngayon pati na din ang bago nitong kapatid na si Honey na isang taong gulang na.

"Tito Handsome do you miss her?"tanong sa kanya ng pamangkin.

Malalim na buntong hininga ang isinagot niya dito bago niya ito nilingon at malungkot na nginitian niya ito.

"I missed her a lot...and I miss her everytime I think about her"honest niyang sagot dito.

Sumimangot naman ang pamangkin niya bago ito tumingin sa lapida. Luhod pa ito at hinaplos din ang lapida nito.

"Tita pretty is upset when your sad"sabi nito.

Lalo naman siyang nalungkot sa sinabi nito sa kanya, napakabata pa ni Choco pero marunong na itong magbigay ng mga ganitong salita sa kanila na matatanda. Alam na nito kung paano makisimpatya sa nararamdaman ng nakakatanda dito.

"Yeah, I know. That's why I try not to be sad on this day"pilit siyang ngumiti sa pamangkin.

Nagtagal pa sila ng ilang minuto sa sementeryo, sila lang dalawa ang dumalaw ngayon sa sermenteryo dahil busy na din kasi ang mga magulang nila sa paghahanda sa bahay nila. Ang kapatid naman niya busy sa asawa nitong buntis na naman sa pangatlo nilang anak sama pa na may isang taong gulang na anak itong inaalagaan.

Buti nga kasama niya si Choco ngayon kaya kahit paano nakakagaan naman sa loob niya dahil hindi siya nag-iisang dumalaw sa simenteryo.

"Tara na Tito handsome, I'm starving na"reklamo nito.

Pumikit siya muli para mag-usal ng maikling panalangin at magpaalam na din sa kanya.

"Say your goodbye Choco"baling niya sa pamangkin niya.

Pumikit din ang pamangkin niya na nagkalapat ang mga palad na nagdadasal ito.

"Babye baby Angel...we will visit you again next year"paalam ng pamangkin niya.

Tatayo na sila sa pagkakaupo nila ng tumunog ang cellphone niya. nang tignan niya ang tumatawag ang pinakamamahal pala niyang babae ito.

Penelope.

GENTLEMAN'S QUEEN #3: PENELOPEWhere stories live. Discover now