Nineteen

18.9K 496 14
                                    

NAGMULAT siya ng mata niya na parang binibiyak ang ulo niya sa sakit at ang katawan naman niya ay parang dinaanan ng pison kahit pa hindi niya alam ang pakiramdam ng nadaan ng pison. Basta sobrang sakit ng buong katawan niya na para bang nagkakalas ang mga buto niya sa sobrang sakit.

"Fvck! Brod you're awake!"narinig niyang sigaw ng isa sa mga kaibigan niya.

Unti-unti niyang kinilos ang ulo niya para hanapin kung saan nanggaling ang ingay na narinig niya. doon niya nakita ang mga kaibigan niyang sobrang nag-aalala na nakatitig sa kanya. maging ang mga magulang niya at kapatid ay nandoon ngayon.

"What did I told you everyone, masamang damo iyan kaya hindi mamamatay ng basta-basta"narinig pa niyang pang-aalaska ng magaling niyang kapatid.

Gustuhin man niyang magsalita para namang walang boses ang gustong lumabas sa lalamunan niya. parang may blade pa nga na humihiwa sa lalamunan niya sa sobrang sakit.

Sa bawat paghinga din niya parang ang lalim ng pinaghuhugutan niya, makirot kasi sa bawat paghinga niya particular na sa baga niya.

"Silent!"narinig niyang sigaw ng isang boses na hindi niya kilala.

Maya-maya may lumapit sa kanyang isang babaeng hindi niya kilala. Pero sa tingin niya ito ang doctor niya dahil na din sa suot nitong kulay putting hospital gown o lab gown ba iyon. basta iyon ang nakikita niya kapag mag naoospital sa kanila. Hindi kasi siya iyong tipo na palaging naoospital kaya hindi niya alam.

Noong naospital naman si Pen hindi siya ang masyadong nakikipag-usap sa doctor ni Pen ang mga magulang niya kaya hindi din niya pansin ang mga ganitong bagay.

Hindi siya makagalaw kahit na simpleng paggalaw lang ng kamay niya o kahit nga daliri niya hindi niya maramdaman. Basta ang alam niya nakadilat naman siya, narinig din naman niya ang mga kaibigan niya na napansing gising na siya.

"I think he still in a coma, ang kaibahan lang gising na siya. And that's a good sign for him, madadaan nalang naman sa therapy ang lahat para makabalik siya sa dati"narinig niyang sabi ng doctor.

May ginawa kasi ito sa kanya na hindi niya alam, basta may itinapat lang itong parang maliit na flash light sa mata niya. hindi na niya nakita pa ang iba dahil gaya ng buong katawan niya hindi din niya maigalaw ang ulo niya. mata lang pala niya ang kaya niyang igalaw kanina kaya nakita niya ang mga kaibigan niya.

"Narinig mo iyon Ezekiel, pagaling ka tulungan mo ang sarili mo na gumaling"lumapit pa sa kanya ang kuya niya para sa sabihin iyon sa kanya.

"You can communicate with him, naiintindihan naman niya kayo kung anong sasabihin niyo sa kanya. better na bigyan niyo siya ng magandang motivation para mapabilis ang paggaling niya."bilin pa ng doctor na nakatitig sa chart na hawak nito at nagsusulat.

"Okay, magandang motivation kay utol ang magandang bebot. Palagi akong magdadala ng magagandang babae dito para mabilis tatayo...I mean mabilis gagaling ang isang ito"biro ng kapatid niya.

Napaungol naman siya sa sinabi ng kapatid niya, hindi kasi niya magawang magprotesta dito by words kaya ungol lang muna. Ngayon nalang sila nagkitang magkapatid puro kalokohan pa yata ang gagawin sa kanya.

Humanda ka sakin kuya, paggaling ko dito ako gaganti sayo.

"I think the better motivation for Ezekiel is Penelope"sabad naman ni Rome.

Sa narinig niyang pangalan parang gusto niyang tumayo na din at tumakbo papunta sa babaeng pinakamamahal niya. doon lang din kasi niya naalala si Penelope, kung di pa sinabi ni Rome hindi pa niya maalala.

GENTLEMAN'S QUEEN #3: PENELOPEOnde as histórias ganham vida. Descobre agora