Five

21.3K 606 9
                                    

Nakakapagod ang ginawa niya kagabi, pero kailangan niyang gumising ng maaga dahil na din sa may pasok siya sa school ngayon.

Naghihikab siya habang naglalakad siya sa hall way ng school niya.

"Mukhang puyat ka Pen"bulong ng isang baritonong boses sa tenga niya.

Napaigtad siya at napaayos ng tayo ang naging reaksyon niya. Pakiramdam din niya nagtayuan ang balahibo niya sa katawan sa bulong nito sa kanya.

"E!"gulat niyang tawag ng malingunan niya ito.

Kasama ng binata ang pamangkin nitong si Choco na sobrang ngiti na halos nakapikit na ang mata ng bata sa sobrang ngiti nito habang nakatingin sa kanya.

"Good morning Choco"bati niya sa bata.

"Good morning future Tita"bati sa kanya ng bata.

Napataas ang dalawang kilay niya sa narinig na tawag sa kanya ng bata. Pero hindi naman niya maintindihan ang sinabi ng bata sa kanya. Kaya naman si Ezekiel ang tinignan niya para matanong kung ano ang sinasabi ng pamangkin niya.

"Let's talk about it later after your class, Pen"sabi naman ni Ezekiel.

Naguguluhan na kinuha nalang niya ang kamay ni Choco para ipasok sa loob ng classroom nila. Pero sa maghapon na iyon wala siya sa sarili niya, iniisip talaga niya ang sinasabi ni Choco kanina sa kanya. pati na din ang pag-uusapan nila ni Ezekiel, nakalimutan na nga niya ang mission niya kagabi.

Dumating ang oras ng uwian ng mga bata, pero hindi naman si Ezekiel ang sumundo sa pamangkin nito kaya wala siyang choice kundi ang hintayin kung kailan sila magkakausap ni Ezekiel.

"Ma'am, ingat po sa pag-uwi"bilin sa kanya ng guard ng makalabas na siya ng gate ng uwian na nila ng hapon.

Nakangiti lang na tumango naman siya sa matanda habang naglalakad siya. Hindi pa man siya nakakalayo sa gate nila ng salubungin siya ni Ezekiel.

Nahigit niya ang hininga niya ng makita kung gaano kagwapo ngayon ng lalaki. Crush na niya ito noong mga bata pa sila, pero syempre dahil bata pa sila noon simpleng crush lang niya ito. nagwa-gwapuhan lang siya.

Pero iba ngayon, ang lakas kasi ng dating nito ngayon sa kanya.

"Pen"tawag pa nito sa kanya.

Kinapos pa siya ng hangin sa baga niya ng ngumiti ito sa kanya.

"E-Ezekiel"nag-stammer pa siya.

She heard Ezekiel clear his throat, nakita niya din na medyo naging uneasy ito.

"Can I invite you for a dinner?"aya nito sa kanya.

"Ha...ano di ba kagabi lang sabay na tayo kumain"alangan niyang sagot dito.

"Yeah, pero iba ngayong gabi"sagot naman nito sa kanya.

"Bakit?"

Ngumiti na naman ito sa kanya, bago siya nito inalalayan papunta sa sasakyan nito.

After ng ilang minutong pagmamaneho ni Ezekiel huminto sila sa isang magarang restaurant. Pero napansin niyang walang masyadong taong nagpupunta sa restaurant na ito. No, walang ibang tao sa restaurant na ito sila lang ni Ezekiel ang nandoon ngayon except sa mga staff ng restaurant.

"Ezekiel, sarado yata"bulong niya.

"Hindi 'yan"

Hinila na siya nito papunta sa loob ng restaurant, nanlaki pa ang mata niya sa nakita niyang arrangement ng buong restaurant.

GENTLEMAN'S QUEEN #3: PENELOPEWhere stories live. Discover now