Fifteen

17.5K 499 8
                                    

KAHIT tinatamad siya na lumabas ng bahay, wala naman siyang magawa ng ayain siya ng mommy ni Ezekiel. May pupuntahan daw silang kaibigan nito sa isang hotel, at ipakikilala daw siya nito bilang manugang.

Matutuwa sana siya sa sinabi ng mommy nito kung hindi lang sana siya galit kay Ezekiel.

Pero plano na niyang makipagbati ngayon sa binata. Halos dalawang linggo na niyang hindi kinakausap ang binata. Miss na Miss na din naman na niya ito, kaya ibababa na niya ang pride niya.

"Sino po bang kaibigan niyo ang pupuntahan natin Mommy?"tanong niya dito.

Siya na ang nagprisintang magdrive para naman may gawin siya baka kasi mainip siya kung sakali.

"Amiga ko lang naman anak"sagot nito.

Alanganin na ngumiti siya kasi hindi pa din naman nasagot ang tanong niya.

Hindi bali na nga lang.

Hanggang sa makarating sila sa hotel na pupuntahan nila, hindi na niya kinulit pa ang ginang kung sino ang kakatagpuin nila. Pero napansin niyang kakaiba ang kilos ng kasama niya lalo na ng makapasok na sila sa loob ng hotel at nasa elevator na sila.

Para kasing kinikilig na ewan ang kasama niya. pero nagsawalang bahala nalang siya, inisip nalang niyang baka excited lang ang ginang na makausap ang pupuntahan nila doon.

Hanggang sa makarating sila sa tapat ng kwartong pupuntahan nila. Huminto ang ginang sa paglalakad at pinauna siya. Nakita pa niyang naging abala ang ginang na parang magkinalikot sa bag nito sabay abot sa kanya ng card key.

"Anak, ikaw na nga ang magbukas ng pinto"utos pa nito sa kanya.

Siya naman walang kamalay-malay na binuksan niya ang pinto at laking gulat niya ng makita kung sino ang mga taong nasa loob.

Kitang-kita ng mga mata niya na nakaligkis ang isang babae sa nobyo niya.

"Divina!"

Lalo pa ng makita niyang hinalikan lang naman sa labi si Ezekiel ni Divina. Pero hindi siya makaramdam ng galit kay Ezekiel ng makita niyang itinulak nito ang dalaga.

"What do you think youre doing!"narinig pa niyang sigaw ni Ezekiel.

"I love you sir, mahal na mahal kita. Please ako nalang po!"umiiyak na sagot naman ng hitad kay Ezekiel.

Alam niya hindi totoo ang sinabi nito, na palabas lang ang lahat. Kaya naman nanlilisik ang mata na tinitigan niya ang dalaga kahit na alam niyang nakatalikod ito sa kanya at hindi siya nito nakikita.

Nakabuo na siya ng pwede niyang gawin sa babaeng ito habang masama niya itong tinititigan.

"Anak!"natauhan lang siya ng sumigaw ang mommy ni Ezekiel.

Pero hindi niya pinansin pa ang kung anong reaksiyon ni Ezekiel ng makita siya nito. Nanlilisik ang mata niya habang walang patid ang pagkakatitig niya sa dalaga ng lumapit siya dito.

She's thinking a hundred ways how she can kill this bitch as of the moment while taking her steps closer to them. Her burning anger got much bigger and lethal when she saw how this bitch touch Ezekiel infront of everybody like she's owning him.

"Don't you dare touch my property bitch!"hiyaw niya dito.

Nakompirma niya ang lahat ng iniisip niya ng makita niya ang panlilisik din ng mata sa kanya ni Divina. She knew already that this is just a plot, and Divina is an assassin and just doing her job.

"Get out all of you!"utos niya sa lahat ng kasama nila.

Mabilis lang na lumabas ang mga kasama nila, pero ang nakakatawa nagpaiwan pa si Ezekiel. Ang tinutukoy niya lahat lumabas kasama ito pero hindi ito umalis.

GENTLEMAN'S QUEEN #3: PENELOPEWhere stories live. Discover now