Sixteen

18.5K 526 7
                                    

ANG awkward lang tignan ng mga tao sa paligid niya, simula ng magising siya kanina hanggang sa mga oras na ito hindi na umalis ang mga mata ng mga taong ito sa kanya. maging kay Ezekiel, tanging sa kanya lang nakatitig ang mga mata nito.

May dumi ba sa mukha ko?

"Princess, are you okay?"tanong ni Ezekiel sa kanya.

Napatirik naman ang mata niya sa sobrang inis niya kay Ezekiel. Pang-ilang beses na ba niyang tanong ito sa kanya, pang walo o pangsiyam. Baka nga higit pa ng sampo mula ng magising siya kanina, panay na ang tanong nito sa kanya.

Oo inaamin niya kanina noong isinusugod siya ni Ezekiel sa ospital hindi siya okay, pero ng magising siya kanina okay naman na siya. Pakiramdam nga niya parang walang nangyari sa kanya.

"Hon, pang-ilang tanong mo na iyan. Isa pa mapipikon na ako sayo"bulong niya dito.

Pero kaysa masindak ito sa kanya o kaya naman ay tumawa ito gaya ng madalas nitong reaksyon nitong mga nakaraang buwan na magkasama sila malungkot lang itong tumingin sa kanya.

Naguguluhang muli niyang tinignan ang mga tao sa paligid niya, gaya ni Ezekiel malungkot din ang mga ito.

"E"halos pabulong na niyang tawag sa binata.

Bigla kasi siyang kinabahan, naalala kasi niya ang dahilan kung bakit siya isinugod sa ospital ni Ezekiel. Hindi siya napunta ng ospital ng dahil sa mga natamo niyang sipa at suntok ni Divina kanina. Nandito siya sa ospital ngayon dahil dinugo siya, dinugo siya kasi nagdadalang-tao siya.

Buntis siya, na hindi man lang niya alam.

"Princess"malungkot na tawag sa kanya nito.

"Pwede bang lumabas muna sila"mahina niyang turan sa binata.

Nilingon lang naman ni Ezekiel ang mga magulang nito, na parang naintindihan naman ng mga ito kaya lumabas ang mga ito kahit na hindi pa nagsasalita si Ezekiel.

"E, sabihin mo...ang...baby--"hindi na niya naituloy ang sasabihin pa niya ng yakapin siya ng mahigpit ni Ezekiel.

Hindi man nagsasalita ang binata, ramdam niya ang pagyugyog ng balikat nito habang nakayakap sa kanya. kaya napahagulgol na din siya ng hindi na niya kinaya pa ang iniisip niya.

"I'm sorry, Pen"umiiyak na salita ni Ezekiel.

"Ang baby ko"humahagulgol niyang sagot.

Matagal silang nasa ganoong posisyon, walang gustong magsalita sa kanina. Tanging mga pagtangis lang nilang dalawa ang naririnig sa loob ng kwarto niya.

Ang sakit lang sa kanya, kasi hindi man lang niya nagawang ingatan ang dinadala niya. ni hindi man lang niya naramdaman na may dinadala na pala siya. Napakawalang kwenta niyang ina kasi wala man lang siyang nagawa para pangalagaan ito. na wala man lang siyang pakiramdam para sa anak niyang nasa sinapupunan niya.

"I'm sorry...I'm so sorry Pen"muling hingi ng paumanhin ni Ezekiel.

Tahimik lang siyang nakatitig sa pintuan habang nagsasalita si Ezekiel, parang nabingi siya sa lahat ng ingay sa paligid niya. Hindi niya alam kung anon a gagawin niya ngayon.

"Ang tanga ko"bulong niya.

Naramdaman niyang kumalas sa pagkakayakap sa kanya si Ezekiel, maging ang pagsapo nito sa mukha niya. pero hindi niya makuhang tumingin sa mata ni Ezekiel. Nahihiya siya sa binata, nahihiya siya sa nangyari. Naturingan na katawan niya ito pero hindi niya man lang naramdaman na buntis na pala siya, ito pa ang nakaalam na buntis siya.

GENTLEMAN'S QUEEN #3: PENELOPEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt