Two

32.7K 850 8
                                    

Two

MAAGA siyang nagising ngayon araw na ito, not her ordinary day hindi niya pwedeng gawin ang morning ritual niya. May bisita kasi siya ngayong araw, actually kagabi pa niya ito kasama.

Napabuntong hininga nalang siya habang nakatitig sa maamong mukha ng batang kasama niya ngayon.

Estudyante niya ito sa pinapasukang paaralan. Transferee lang ito galing sa probinsya, pero mula ng pumasok ito hanggang sa araw na ito hindi niya pa nakikita ang kahit isa sa mga magulang nito.

"Good morning teacher!"masayang bati nito sa kanya.

Nakangiti naman niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok nito na tumabing sa mata nito.

Napakagandang bata, sa tingin niya gwapo at maganda ang mga magulang nito. pero sayang kasi hindi man lang pahalagahan ng mga magulang nito ang bata.

Naawa siya dito sa bata mula pa noong isang araw, dahil anong oras na wala pa din sumundo dito hapon na. maging kahapon, kinausap na nga siya ng bata na kung pwede daw na sumama na lang ito sa kanya kasi hindi naman daw siya napapansin ng guardian nito.

Kahit ayaw niya, wala naman siyang magagawa kundi ang isama ang bata kaysa naman may kung anong mangyari dito. Ang bata-bata palang nito alam na nitong maglayas.

"Good morning too Choco"masayang ganting bati niya dito.

Tinulungan niya itong bumangon at inakay na niya ito pababa para mag-agahan na.

"Hahatid na kita mamaya sa inyo ha. Alam mo ba kung saan ang bahay niyo?"tanong niya dito habang kumakain sila.

Bigla naman nalungkot ang bata at itinigil nito ang pagkain.

"Teacher, pwede po bang dito nalang po ako. I have money po, my dad leave me a money kaya pwede po ako magshare sa inyo ng gastos dito. Ayoko na po samin, no one cares about me po"malungkot na paliwanag nito.

Lalo naman siyang naawa sa bata sa sinabi nito. Anong klaseng magulang meron ang bata na ito at pinababayaan ang bata ng ganito.

"Baby Choco, tumawag kasi ang Tito mo kagabi. He is looking for you, nagalit pa nga si Tito mo kasi hindi natin sinabi na dito ka sakin magstay for the whole night"paliwanag niya dito.

Kapag nakaharap niya mamaya ang Tito ng bata pagagalitan niya ito kasi iresponsable ito dahil pagsundo nalang sa pamangkin nito hindi pa nito nagawa.

"Lagi naman nila ako nakakalimutan because they have a lot of work. While my Daddy busy looking for my mommy. Sila lolo at lola ko lang ang naglo-love sakin, but they are not here kasi Teacher."nakasimangot na sagot nito sa kanya.

"Don't worry baby Choco ako bahala sayo okay. Papagalitan ko siya mamaya for neglecting you"pagbibigay niya ng assurance sa bata.

Mahaba-habang pakiusapan ang ginawa niya para lang maihatid niya ang bata sa Tito nito ngayong umaga. Ayaw talaga nitong umuwi, may mga damit nga ito sa bag nito kaya talagang naglayas ito sa bahay.

Buti nalang napapayag niya ang bata na ihahatid na niya ito sa Tito nito. Hindi din kasi niya pwedeng iwanan ang bata sa apartment niya. Wala naman kasi ito kasama doon kung nagkataon, at walang dalang uniform ang bata bukod sa uniform na suot nito kahapon na madumi na. hindi niya kasi naisipan na labhan kagabi, kaya hindi niya maisasama sa school ang bata hindi kasi tatanggapin kung hindi nakauniform ang isang estudyante.

Nakatulog ang bata habang nasa biyahe sila papunta sa condo building kung saan ito tumutuloy pansamantala.

"Ma'am saan po kayo pupunta?"tanong guard sa kanya ng makarating na sila doon.

GENTLEMAN'S QUEEN #3: PENELOPEWhere stories live. Discover now