Seven

20.1K 588 13
                                    

Sumasakit ang ulo niya sa kakaisip ng pinadala sa kanyang envelop ng big boss niya. hanggang ngayon wala pa din siyang nakukuhang sagot para doon. ang tanging nakikita niya sa mga drawing na walang patutunguhan ay ang initial na HT.

Iyon lang kasi ang visible sa drawing, na hindi naman niya makuha kung para saan ang HT na iyon.

"Ang tahimik mo naman"puna sa kanya ni Ezekiel.

Nilingon niya ito at alanganing nginitian, kasama nga pala niya ang boyfriend niya ngayon. Papunta sila sa isang bar, ang sabi nito Fortress ang tawag nito at ng mga kaibigan nito sa lugar na iyon. ipapakilala daw siya ngayon nito sa mga kaibigan nito at sa mga asawa ng kaibigan nito.

Hindi naman siya kinakabahan, simpleng pakikipagkilala lang naman ang mangyayari. Ang iniisip talaga niya ngayon ay ang trabahong ibinigay sa kanya ng boss niya. gusto na kasi niyang matapos na iyon para magkapagconcentrate na siya kay Ezekiel.

"May iniisip lang ako"mahina niyang sagot dito.

"Like what?"tanong naman nito sa kanya.

Kinuha nito ang kamay niya at dinala sa labi nito para halikan, kasalukuyang nagmamaneho ito ngayon, ang isang kamay nito ay nakahawak sa manibela at ang isa naman ay sa kamay niya.

"Sa trabaho lang"simpleng sagot niya.

"Bakit, may problema ka bas a school ngayon?"nag-aalalang tanong nito sa kanya.

Ngumiti siya at umiling bilang sagot dito. Hindi naman kasi sa school ang problema niya, sa isa pa niyang trabaho. Napaisip siyang bigla, paano kaya kung malalaman ni Ezekiel ang isa pa niyang trabaho, matatanggap kaya siya nito.

Bigla naman siyang nakaramdam ng takot sa isiping hindi siya matatanggap ni Ezekiel kapag nagkataon.

"Hey, smile Princess. Ano bang problema, sabihin mo sakin baka makatulong ako"masuyong turan naman ni Ezekiel sa kanya.

Sumandal lang siya sa balikat nito at pumikit.

"I just want to stay like this"bulong niya dito.

Narinig niyang malalim na bumuntong hininga naman ang binata at hindi na siya nito kinausap pa. hanggang sa makarating sila sa loob ng bar, tahimik na silang dalawa.

Nakapasok naman na siya minsan sa isang regular na bar, dahil na din sa isa pa niyang trabaho. Pero ngayon lang siya nakapasok sa isang bar na very cozy ang dating. Hindi kalakasan ang music na maririnig sa loob, hindi din mausok, walang mga wild o party animals na makikita sa dance floor.

Madaming tao pero may kanya-kanyang grupo na siyang kasama ng mga itong umiinom.

"Kiel!"narinig niyang sigaw ng isang lalaki.

Napataas ang kilay niya ng makita ang lalaking papalapit sa kanila. Gaya ni Ezekiel may itsura din ito, lalo pa niyang nakita ang mukha nito ng makalapit na ito sa kanila at magman hug ang dalawa.

"Leigh, where's the other's?"masayang tanong naman ni Ezekiel dito.

Tumatawa naman bumaling sa kanya ito, nakakaintimidate naman kung tumingin ito sa kanya. at ngayon din niya napansin na kulay gray ang mata nito.

"So is she the one?"tanong naman nit okay Ezekiel na sa kanya naman nakatitig.

"Brod, fvck off, she's mine"seryosong sagot naman ni Ezekiel.

"Man, hindi kita aagawan"natatawa namang sagot ng binata kay Ezekiel.

Naramdaman niyang umakbay sa kanya si Ezekiel at hinila na siya nito palayo sa binatang sumalubong sa kanilang dalawa. hindi naman siya nagreklamo sa higpit ng pagkakahapit sa kanya ni Ezekiel. Feeling niya secured siya sa pagkakahawak nito kahit medyo nahihigpitan na siya.

GENTLEMAN'S QUEEN #3: PENELOPEWhere stories live. Discover now