There were flashes of camera, na siyang hinayaan ko na lamang. "Ate Riri pa-picture po." Nagkagulo na silang lahat pero siya pa rin ang nakikita ko. Pinilit kong makalapit sa kanya pero kumawala lamang ang luha sa aking mga mata nang maglaho siya nang parang bula.

Tulad ng dati, imahinasyon na naman...

I was at the street of Cali when I saw him walking towards me. "Steele..." Bulong ko, mas lalo akong nakaramdam ng lamig.

"Steele!" Tumakbo ako papunta sa kanya. Ngumiti siya sa akin. Walang ibang tao rito, kaya nasisiguro kong si Steele ang nasa harapan ko ngayon. "I missed you! I missed you!" Paulit-ulit kong sabi sa kanya, huminto siya sa paglalakad at nakangiti pa rin sa akin. "I love you! I love you!" Kasabay nito ang luhang pinapalis ko sa aking pisngi.

Pero tila walang katapusan ang pagtakbo ko, tila palayo pa siya nang palayo hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Napatakip ako ng mukha at napahagulgol. "Ako lang 'to...ako lang talaga 'to." Pangungumbinsi ko sa sarili ko kahit ramdam na ramdam ko ang presensiya niya.

"See you around Maria!" My former classmate from one of the subjects waved goodbye at me. I did the same thing. "See you around!" I shouted back.

There are a lot of students everywhere, doing their own things.

Naglakad na ako papunta sa parking space. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko na naman siya. He raised his arm while holding his car keys. Napaiyak ako. Alam ko kasing hindi totoo, alam ko kasing nag-iimagine lang ako, na nandito siya, na susunduin niya ako tulad nang ginagawa ng iba.

It is just in my mind. I told myself and walk straight to my car. Nasa tapat pa rin siya ng kotse ko, dire-diretso akong naglakad at sa huling hakbang ko ay pumikit ako. Natigilan ako nang bumangga ako sa dibdib niya, ramdam ko! Totoo 'to!

At sa pagmulat ng mga mata ko ay wala na siya. Again, he disappeared just like that.

"Riri...you have to sign the books." Lahat sila ay natigilan nang mapansing umiiyak na pala ako sa gitna nila. Humingi ako ng paumanhin sa nangyari, at sa naging delay. Nagpalinga-linga ako bago pumirma sa libro subalit wala talaga.

"Hi ate Riri, reader mo na po ako since 2013. Naabutan ko pa yung mga stories mo nung high school ka pa lang po." Nag-enjoy akong makipag-usap sa mga readers ko, na simula pa lang ay nandito na at hanggang ngayon ay nakasuporta pa rin sa akin. "Sobrang galing niyo pong magsulat, lahat ng characters ay damang-dama ko. Lahat sila ate! Tapos ang dami ko pong natutunan, mahal na mahal kita ate at mga stories mo. Ang dami kong realizations dahil sayo." Napangiti ako nang sobra.

"Maraming Salamat! Mahal ko rin kayo!" Tumayo ako para mayakap siya. Nagulat pa siya pero agad din siyang yumakap pabalik sa akin.

Nag-extend kami ng oras ng book signing para sana ma-sign ang libro ng lahat. "Pasensiya na kung na-late. Ingat kayo sa pag-uwi. Maraming salamat." Nakatayo na akong pumipirma ng libro para sa mga nahuli at niyakap sila nang mahigpit.

"Thank you so much talaga sa inyo!" Ani ko matapos ang picture taking kasama ang admins ng mga pages ng stories ko.

"Mommy, washroom lang po ako. Magpapalit po ako ng damit." Sinundo kasi nila ako ni daddy, si daddy ay nasa parking lot na. "Saglit lang po ako." Pasara na rin ang mall, kaya kakaunti na ang mga tao, may ilan pang nagpapicture sa akin bago ako tuluyang makapasok sa washroom. Nagpalit ako ng shorts at hoodie para mas maging comfortable ako.

Nagpatay-buhay ang ilaw sa washroom nang mag-isa na lamang ako. Pagkabukas ng ilaw ay reflection ni Steele ang nakita ko sa salamin. May luhang kumakawala sa kanyang mga mata. Nabitiwan ko ang bag ko at hinawakan ang salamin subalit nawala na naman ang reflection niya.

To Your World [ Completed:2017 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon