Chapter 3

8.9K 450 191
                                    

Inayos ko ang salaming suot ko dahil nawala ito sa pagkaka-ayos. Seryoso, lahat ata ng chapters ng story ko na 'to, hindi mawawala 'tong part na 'to kay Belle. "You're not listening..." Tsaka siya tumayo at iniwan ako roon, litong-lito sa mga nangyayari.

"Ma'am, kanina ko pa po kayo hinihintay sa parking lot." At maging sa pagsulpot ni Mang Rigor ay nagulat ako, hindi na nga ata talaga ako masasanay pa. "Tinext niyo po ako." And we're back to the original plot of the story.

"Ah sige po." Iyan na lamang ang nasabi ko, dahil iyan ang sagot na kailangan sa scene na ito. Habang nasa kotse ay pinagmasdan ko na lamang ang mga nadadaanan namin. Kakaiba rin ang lugar dito sa loob ng kwentong sinusulat ko, kung sa unang tingin ay parang sa totoong mundo, may mapapansin ka pa ring hindi ito ang totoong mundo.

Parang larawang iginuhit lamang ang lahat.

Nang makauwi sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto na lagi namang nakasanayan na ni Ysabelle. Pagkabukas na pagkabukas ko nang laptop ko ay bumungad sa akin ang facebook account ni Ysabelle na naka-tag sa kanya ang nakakaawang litrato niya na parang basang sisiw.

Hindi ko na nakayanan pang basahin ang mga comment, kahit hindi naman talaga ako si Belle ay ramdam ko ang sakit na tumatagos sa mga comment nila. Mga salitang below the belt na talaga.

Just to end it, I deactivated her account.

The story itself won't move forward kung magiging ganito palagi si Ysabelle, kung lagi na lang siyang magpapa-api. Pero matagal pa bago mangyari yun, nasa chapter 4 pa lang ako ng kwento. Masyadong marami pang mangyayari.

"Hindi ka pumasok ng first at last subject?!" Halos mawalan ako ng dugo sa katawan nang makita ko ang nag-aapoy na galit ni Tita Carina sa akin, galit na galit ang mga mata niya, na kung nakakapatay lang ang bawat tingin na pinupukol niya sa akin ngayon ay marahil pinaglalamayan na ako ngayon. "Huwag mong pababain ang tingin ng mga tao sa akin doon. Ano?! May ipagmamalaki ka na ngayon?" Hindi pa siya nakuntento at hinila niya pa ang buhok ko nang mas malakas.

Tita Carina is one of the stockholders sa school na pinapasukan ko ngayon. I was known to be her stepdaughter at ayaw na ayaw niyang makakagawa ako ng kapalpakan---I mean si Ysabella. Pero wala siyang pakialam kung araw-araw man itong i-bully.

Sa mundo kasing 'to, may mga tao talagang makasarili. No matter how you try to be good at them they will throw daggers back at you. That's her life, that's the life Belle's living in. Even in reality, may mga tao naman talagang ganito, yung tipong sarili lang ang mahalaga sa kanila, yung hindi nila alam na may natatapakan na pala silang iba.

"S-sorry po..." Kusang lumabas ang mga salitang ito sa boses ko, katulad ng pagkakasulat ko nito, maging ang mga luha ko ay nag-uuanahan na sa pagkawala.

"Kung bakit ba naman kasi nagka-anak si Wilfred ng isang tulad mo! Sampid!" This line is too much to bear, kung nabubuhay lang sana ang mommy ni Belle, everything could have been put back into its proper places. Pero hindi eh, this story must go on...and yes! I have no choice but to live with it.

"Sorry po...sorry po...hindi na po talaga mauulit tita. Kinailangan ko po kasi talagang umuwi. May...may---" Bago pa man ako matapos sa sinasabi ko ay naunahan na ako ng sampal niya sa pisngi ko. Poor Belle! Damang-dama ko na naman ang pagmamalupit sa kanya.

Nakakainis itong si Tita Carina na 'to! Paano ba ako nakabuo ng isang tulad niya, masyadong mapang-api!

"Mommy?" Nagulat ako sa biglaang paglapit ni Adolf sa akin. Yumakap ito sa akin kaya binitawan agad ako ni Tita Carina. "Why are you hurting ate?" Ramdam ko ang inis sa boses ni Adolf. Kahit bata pa lamang siya ay nasaksihan na niya at mulat na siya sa katotohanang napagmamalupitan si Ysabelle ng mommy niya.

To Your World [ Completed:2017 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon