Chapter 9

6.4K 339 149
                                    

"Ano namang gagawin ko sa panaginip mo?" Inayos ko ang salamin ko. Seryosong tumitig sa akin na tila binabasa niya ang lahat ng nasa isipan ko, at sana ay hindi niya magawa iyon. Dahil ayaw kong malaman niya ang nararamdaman ko.

Hindi na niya kailangang malaman ito, dahil hindi ang mahalin siya ang misyon ko sa story na ito. Kapag dumating na ang takdang panahon, hindi niya na ako maaalala...si Belle na ulit ang gugustuhin niyang makasama at hindi na ako.

"Don't deny it. I know exactly this whole thing about." Mas lalo lamang akong kinabahan. Hindi na rin ako makatingin sa kanya at tila nanlalamig na nga talaga ako dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa akin.

Umiling ako.

Isang hakbang.

Napapikit ako.

Dalawang hakbang.

Minulat ko ang mga mata.

Ikatlong hakbang.

Alam ko. Hulog na ako. Ang hirap paniwalain ang sarili na hindi...pero kung iisiping mabuti, bakit tulad niya ang binuo ko sa imahinasyon ko. Dahil una, siya ang pinapangarap ko. Siya ang inaasahan kong darating sa buhay ko.

Kaso alam kong panandalian lang 'to. Nabubuhay pa rin ako sa mga paano kung. Paano kung bukas wala na ako sa mundong ito? Paano kung bumalik na ako sa totoong mundo ko? Maraming hihiling na sana maging tulad ko ngayon. Na sana makapasok din sa loob ng kwento, pero kung iisiping mabuti. Gaano ka kahandang makapasok sa story na sinusulat mo? Ako? I was never ready and, yet I still wished for it to come true.

"Teleeeee!" Pareho kaming natigilang dalawa dahil sa malakas na tiling nagmumula sa kanan namin. Sabay din kaming lumingon. At halos malaglag ang panga ko sa kung sino mang nasa harapan ko ngayon. Wearing high-waist maong shorts and crop top, Shana Reyes, smiled in front of me. How did I know? She's the real antagonist here. Kung masasama na sila Checarah, mas masama itong si Shana. Juskopo! Mukhang bumalik na naman sa original plot ang story.

Ang gulo lang na wala akong ideya kung yung mga sinulat kong bawat chapters ng story na 'to ang nangyayari o may iba nang nagsusulat nito para sa akin. I'm being manipulated, I have no idea I am.

"Gosh. I miss you!" Pasimple niya akong tinulak patabi para maharangan ako sa mga mata ni Steele. Pero nagulat ako ng hilahin ako ni Steele at hinapit papunta sa tabi niya. "And who...Who's that ugly nerd?" Ay wow! Ang bibig talaga niya ay walang preno, kung anong sasabihin ay yun ang sasabihin talaga.

"She's my girlfriend." Parang natigil ang pag-ikot ng mundo ko, damn! It was a line from the story! Imposibleng makalimutan ko ito, dahil tandang-tanda ko pa kung paano ako gumulong sa kama habang tinatype ang line na ito dahil kinikilig ako noon!

"Wh-what?! No! You are a liar! Iyang nerd na yan ipagpapalit mo sa may class na tulad ko?" Napairap ako nang palihim. Jusko! Hindi ko na namang magawang magsalita, dahil hindi naaayon sa hitsura ko ang dapat sana'y sasabihin ko.

"She doesn't need to be the most in everything, she's now the most in my heart." Napaawang ang bibig ko dahil sa hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kong sabihin ngayon. Kasi! I would be lying if I won't say my heart fluttered so much because of him.

Laglag ang panga ni Shana ay hinila na ako palayo roon ni Steele. Ganoon din ang mga taong nakarinig nito. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin kay Steele, dahil una, hindi na siya nagsalita...pangalawa, mukhang nagbibiro lang siya.

Iniisip ko kung anong mismong mangyayari sa susunod na kabanata ng kwento. Napagpustahan lang ba si Belle? Will I write that kind of scenario if ever? O totoo 'to. "What's really your name? I want you to be honest with me." Nagulat ako nang bigla siyang humarap sa akin kaya agad akong napalayo sa kanya at napasandal ako sa puno na nasa likuran ko.

To Your World [ Completed:2017 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon