Chapter 4

8.8K 423 191
                                    

"Kasi hindi ka totoo. You were just a product of my imagination. You were supposed to be my dream! Iba ang mundo mo sa mundo ko!" Singhal ko sa kanya habang patuloy sa paglandas ang mga luha sa mga mata ko.

Nililipad ng hangin ang buhok ko. Ang lamig ng klima ngayon ay nagpapaalala sa katotohanang, kalian ma'y hindi kami maitatakda para sa isa't-isa.

Hindi ko alam kung paano ko siya titingnan sa mga mata niya, alam kong nasasaktan siya ngayon gaya ng sakit na hindi ko maipaliwanag.

Nagising akong tila naghahabol ng hininga, ramdam na ramdam ko ang pawis na dumadaloy sa may bandang leeg at noo ko. Sa hindi kalayuan ay napansin ko ang nakaputing uniporme na nurse na pinapalitan ang dextrose ko.

Ang huli kong natandaan ay nawalan ako ng malay. Hindi nagtagal ay nakita ko na si mommy sa may pinto ng kwarto ko. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

Pero hindi pa rin maalis sa akin yung napanaginipan ko kanina. Parang totoo, parang nababadyang maging totoo.

"Mmy..." Yumakap agad sa akin si mommy nang tawagin ko siya.

"You made us so worried about you." Aniya. Alam kong dahil lang sa matinding pagod, kaya ako nawalan ng malay kanina. Hindi ko alam pero sa tuwing mapupunta ako sa kabilang mundo, ay dala-dala ko pa rin hanggang dito ang tindi ng pananakit na ginagawa sa akin ni Tita Carina, hindi agad ito tuluyang nawawala.

Isang gabi pa akong nanatili sa hospital hanggang sa nailabas ako kinabukasan na rin. I was lying on my bed, trying to reflect from all the things that happened to me recently. No one would ever believe that it's true, that it's actually happening for real. Kahit ako nga rin ay hindi pa rin lubusang makapaniwala.

At dahil hindi na naman ako mapakali ay tumayo at tsaka umupo ako sa harap ng laptop ko. Bakit kaya? Bakit nakalimutan ko ang mga susunod na mangyayari nang mapunta ako roon? Binuksan ko ang laptop ko at agad na nag-online sa wattpad, I'm still flooded with thousands of notifications. Even my message board ay wala na ring kawala mula sa kanila.

Chineck ko muna ang parts ng The Fall of a Nerd. I am shocked when everything, like what is happening again?! Paano nangyari 'to? All the parts are drafted right now again. And as I clicked Chapter 5, it won't load or open, parang naka-lock. But then again, wala na talaga akong maalala pa sa mga susunod na mangyayari.

Good thing I have back up. I tried to search for my notebook where all the plots, characters of my stories are all listed. Napailing na lang ako dahil hindi ko mahanap. Natapat ako sa salamin ko rito sa kwarto, napaupo ako sa sahig nang makita ko ang reflection ko sa salamin, what the! The girl in the mirror looks exactly me and she's wearing a big black rimmed eyeglasses, damn it! The real Ysabelle is in the mirror.

"Save me...please, I don't want this life. Fix me...please." For a moment, my brain won't function, for a moment I can't move, I can't even utter a single word. Nanindig ang mga balahibo ko. She's intently looking at me. "Please...you created me, so please save me from this life, hindi ko na kaya. I was never made to be strong. And you are strong enough to replace me..." Nagulat ako nang may itaas siya at ipinakita niya ito sa akin. Shit! Mapapamura ka na lang talaga, she has my notebook on her hand. Paanong napunta ito sa kanya.

Nakita kong bumagsak ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

She is so weak. But weakness will make someone stronger, that's why I created her that way. In order for her to be strong she has to be weak. People will see her as weak, people will pity her...will help her and she will be stronger for that. And in order to be strong, not all the times you have to be alone and show everyone you are strong but instead embrace your weakness. Why? Because in this world you can't live alone, you need one person for you to be able embrace weakness while you are getting better, stronger with the help of that person.

To Your World [ Completed:2017 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon