Chapter 10

6.9K 329 188
                                    

Tila bumalik lahat ng lakas ko sa isang iglap nang dahil sa sinabi niya. Paanong nalaman niya lahat? "I believe my dreams are all true. Natahimik ka bigla." Bumangon ako at hinawakan ko ang dalawa niyang kamay na nakapataong sa gilid ng kama ko.

Tinitigan ko siya at ganoon din siya sa akin. Pareho kaming ilang minutong natigilan habang nakapatong ang kamay ko sa kanyang kamay. "I just..." For a moment, I lost the right words I'm about to say. Kinagat ko ang ibabang labi ko.

"Stupid. Don't do that." He pinched my cheeks. At mas naging magaan na ngayon ang atmosphere sa pagitan naming dalawa. "You're too obvious when you're about to lie." Natatawa niyang sabi at bahagya niya pang ginulo ang buhok ko.

"You're not the usual Steele I know." Pansin ko lang na nagiging transparent na itong si Steele recently, which, I don't have any idea how it turned out that way...

"It's for the better? Right ...minsan kasi parang kontroloda ang galaw ko dati. Parang hindi ko buhay to, parang hindi ako totoo." Natigilan ako sa sinabi niya, kasabay nito ang malakas na pagdagundong ng tibok ng puso ko. Unti-unti na siyang nagkakaroon ng ideya sa mundong ito. "It feels so unreal, me being here." Alam kong may nais siyang iparating sa akin. But I don't think it's the right time for him to know everything.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ang itatagal ko rito. Kailangan ko nang malaman kung sino ang killer sa lalong madaling panahon dahil sa tingin ko may isang bagay pa akong dapat ayusin.

Ang ending ng story na ito.

"Who are you? What are you?" Malumanay ang pagbigkas niya sa bawat salita. Hindi ko alam kung anong tamang isagot sa kanya.

"Listen. I have a mission." Seryoso siyang tumitig sa akin, na hindi ko natagalan, dahil tila nagwawala ang buong sistema ko nang dahil sa titig niya. "It's to know who the killer is." Sa tingin ko ay pinag-iisipan niya munang mabuti kung dapat ba siyang maniwala sa akin o hindi.

"So you're not really Belle? Right?" Dahan-dahan akong tumango. "What are you Zerina? Tao ka ba?" Muntik na akong masamid sa naging tanong niya. Oo naman, tao ako, pero hindi sa ngayon ang tamang panahon para sabihin ko ang lahat.

"I need to find out who the killer is. I know it's impossible for me to find him or her alone..." Ani ko sa kanya. Sumeryoso bigla ang mukha niya. Nag-iisip siguro nang mas mabuti. Napailing siya nang mahuli ang mga mata ko. Our eyes locked with each other, and I think something's strange is trying to connect both our minds now. Pero hindi ko maintindihan kung ano ito.

"You will know who the killer is, next month." May kung ano pa siyang binulong na hindi ko naman narinig. "Shit. It was the same dream I've been dreaming in the first week of having you in my dreams. Paulit-ulit yun sa loob ng isang linggo." Lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko. Paano iyon naging posible ay hindi pa nga iyon nangyayari?

"You dreamed about what?" Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patayo papalapit sa kanya, sa gulat ko ay nahila niya akong bigla kaya nasubsob ako sa dibdib niya. "Sorry. May pupuntahan ba tayo?" Grabe lang! Parang hindi ako nagkasakit nito at biglang bumalik talaga ang lahat ng lakas ko.

"Let's go." Nang nasa may pintuan na kami ay saglit siyang tumigil. He took off his jacket. Sinuot niya ito sa akin na siya ring ikinagulat ko. "I'll tell you what happened." Bumalik na naman ang pagiging seryoso niya. Tila may bagong katangian ang pilit na kumakawala sa karakter ni Steele.

Sa iisang village lang nga pala nakatira ang dalawa kaya naman malapit sila sa isa't-isa noong mga bata pa sila, si Belle at Steele. Sumunod na lamang ako sa kanya, dahil wala na rin naman akong magagawa pa...lalo pa't ang higpit ng hawak niya sa kamay ko.

You will really need to have that someone who'll held you tight, you will not think of letting go.

"Wait me here." Aniya, nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay nila. Wala rito ang mga magulang niya at tanging ang mga kasambahay lamang ang naririto, dahil abala ang mga magulang niya sa kanilang business.

To Your World [ Completed:2017 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon