Chapter 17

4.7K 254 191
                                    

Mang Rigor is the only one holding a gun. Paika-ika rin siyang maglakad pero alam mong may kakaiba talaga sa kanya. He's not in his usual self. "Shut up! Shut up! Shut up!" Paulit ulit siyang nagpaputok. Lahat kami ay natigilan.

"Pa! Ibaba mo yan!" Akmang lalapit na sana si Ricco sa kanya nang muli siyang magpaputok. "Pa, I am your son...I won't hurt you." Sinubukan pa rin ni Ricco kahit mukhang wala na talaga sa kanyang katinuan si Mang Rigor.

Hindi ako mapakali. Nag-iisip ako nang pwedeng ipanlaban sa kanya pero wala talaga akong maisip nablablangko ako. "Zerina we have to get out of here..." Hinila agad ako ni Steele palayo roon pero hindi agad ako nakasunod nang dahil kay Ricco.

"Steele! Hindi natin pwedeng iwan si Ricco rito. He needs us." Mariin kong sabi kay Steele at hinila ko siya papunta sa akin. "Please...baby, please..." I know he was hesitant. I know he just wanted to save us.

"Ganito na lang. You leave first and I'm gonna help your friend." He was so determined to make me leave him. "Zerina, listen...this is for your safety okay?" Umiling ako.

"No one's gonna leave. No one's gonna go first. Sabay-sabay tayong makakaalis dito." I know he's against it, pero wala na rin naman siyang nagawa pa. Nang hahakbang na sana kami ay agad din kaming napahinto nang itutok ni Mang Rigor ang baril sa kanyang anak. God. This is getting worst.

"Okay na sana ang lahat kung hindi ka nakialam. That stupid love you have for her!" Napatingin sa akin si Steele na may nangungusap na mga mata. "Tingnan mo anak! Sinong kasama ng magaling na babaeng mahal mo?" Lumipat ang pagtutok niya ng baril sa amin. "She never cared! Isa lang ang nasa isipan niya. Hindi ikaw yun! Kung may dapat mang magising dito. Ikaw yun at hindi ako!" Palipat-lipat niyang itinutok ang baril sa aming lahat. Even Carina stayed put on the ground. "Isa ka pa! Lahat kayo! Lahat kayo! Lahat kayo!" Itinutok niya kay Carina ang baril naman ngayon. Nakita ko ang pamumutla niya, kaunting-kalabit na lamang ni Mang Rigor ay katapusan na namin isa-isa.

"It was her fault..." Pabulong kong sabi kay Steele. "She made Mang Rigor that way. May in-inject sa kanya, I don't know what that is." Mas hinapit ako ni Steele papalapit sa kanya. Nangungusap ang kanyang mga mata hanggang ngayon.

Nakita ko ring medyo ngumiwi pa siya. "Shit." Another gunshot at bumagsak sa lupa ang isa sa tauhan ni Carina, parang naging domino effect at isa-isang binaril ni Mang Rigor ang mga tauhan. Napatakip ako sa aking tainga. Mahigpit akong niyakap ni Steele. "Zerina, you have to run now. You have to leave. Hindi na natin kilala si Mang Rigor ngayon. Listen...you have to be alive no matter what." Pangungumbinsi sa akin ni Steele.

"Hindi pwede Steele..." Hindi pwede dahil alam kong malaki pa ang parte ko sa pangyayaring ito. "I'm gonna stay no matter what." Determinado kong sabi sa kanya.

Another gunshot. Sunod-sunod na naman. "Pa! Tama na!" Nilingon naming si Ricco na ngayo'y dire-diretsong lumalapit sa kanya. Nanginginig ang kamay niya na nakahawak sa baril. I know he won't kill his own son. I know he won't....

"Tumigil na tayo oh...hindi ikaw ang may kasalanan nito. Wala kang kasalanan. Pa, makinig ka. Diba may pangarap pa tayo, diba makakapagtapos ako sa pag-aaral bilang scholar. Pa, listen, ako 'to. I am your son." Kinakabahan ako sa bawat paghakbang ni Ricco, pilit niyang inaabot ang papa niya, at ganun din ang pagtindi nang panginginig ng kamay nito.

"Hindi! Hindi! Hindi!" Humalakhak ito at tsaka mabilis tinutok ang baril kay Carina na ngayon ay natuod na talaga sa kanyang pwesto.

"I'm sorry. J-just kill me now..." Kumawala ang luha sa kanyang mga mata. And with that, another gunshot and she's lying helpless on the ground already. Gusto ko siyang lapitan pero itinutok naman sa amin ni Mang Rigor ang baril.

To Your World [ Completed:2017 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon