Chapter 7

6.4K 378 417
                                    

There was a gunshot. Blood spilled all over my body. He was covered with blood all over his body.

Agad kong naimulat ang mga mata ko. Papunta sa venue ng aking debut, or ni Belle rather...ay hindi sinasadyang makatulog ako. Napatingin sa akin si Mang Rigor, marahil ay dahil sa gulat na gulat na expression ng mukha ko, kasabay pa nito ang pagtaas-baba ng dibdib ko dahil sa matinding kabang nararamdaman ko.

It was meant to happen. I can't do anything about it. I'm here, I'm stuck here to know who the killer is. "Ma'am Ysabelle, okay ka lang po ba?" Nawala ako sa pag-iisip nang malalim, nang itanong ito sa akin ni Mang Rigor, nakahinto ang kotse dahil nasa pulang kulay ang stoplight.

"Okay lang po ako." Pilit akong ngumiti sa kanya at tsaka binaling ang tingin sa labas. Pinagmasdan ko ang mga puno rito na tila iginuhat lamang talaga...isa lamang imahinasyon ang lahat.

Sa mundong ito matatawag mo pa kayang maging ang nararamdaman nila ay totoo?

"Nandito na po tayo Ma'am. Enjoy your night po." Ngumiti sa akin si Mang Rigor. Mas bata siya ng ilang taon sa daddy ni Belle. He is a tall, dark and handsome 38-year old man. Kung isasama ang back story niya ay tunay na habulin siya ng mga babae noong kabataan niya pa lang. I described him that way, because that's how I imagined him to be.

"Thank you po." Nang bumukas ang pinto ng kotse ay agad na may mga sumalubong sa akin para alalayan ako.

Lahat sila ay natigilan nang ang isang kamay na namumukod-tangi sa lahat ang kumuha ng kamay ko. It was Steele. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Afraid, that he will notice it's not really Belle.

My heart's thumping so loud, how to calm down!

"Relax." He whispered. At imbes na makapag-relax ako ay mas lalong nadagdagan pa ang kaba ko. Damn! Hinigpitan niya pa lalo ang pagkakahawak sa kamay ko. "It's okay...it's normal." He whispered once more. Paano ba ako nakagawa ng character na tulad niya? Uh...yes, he's my dream guy...always. Pero hindi ako pwedeng mahulog ulit. Napigilan ko na, hanggang dito na lang...I'm the writer he's my character, we can't be, we won't be...

Nagbilin pa ang coordinator ng ilang paalala bago bumukas ang double doors nitong venue. I will walk on the aisle with Steele since he is my escort.

Kung paano nangyari ang preparation nito ay wala akong ideya. The story was fast forwarded to her debut, para siguro malaman ko na kung sino ang killer. But that won't be easy. Sa dami ng tao rito sa venue ay hindi ko agad mahahanap iyon.

"Hey...you okay? You've been silent." Nagtama ang mga mata namin ni Steele nang mag-angat ako ng tingin sa kanya. May hindi ako maipaliwanag sa mga mata niya. Tinitigan ko pa siya nang mas mabuti at hindi ko na nga namalayang nilalapat ko na pala ang mga daliri ko sa pisngi niya.

Aalisin ko na sana ito pero siya na mismo ang humawak sa kamay kong nasa pisngi niya. He looked straight into my eyes. He made me feel I'm the most beautiful lady tonight he ever laid his eyes on. "You are so unreal..." Halos pabulong ang pagbikas ko sa bawat salitang iyon.

"I am real." Dumagundong na namang muli ang pagtibok ng puso ko. How can he feel so real? Mas humigpit pa lalo ang pagkakahawak niya sa kamay ko. I can feel his soft skin against my palm. Napapikit ako nang medyo hanginin ang buhok ko kasabay nito ang paglapat ng labi niya sa noo ko. "I like you..." Shit.

"I'm not---"

"Ladies and gentlemen, a round of applause for the debutante. Zerina Ysabelle Mendoza." Gusto kong hilahin si Steele palayo sa lugar na ito para sabihin sa kanya ang totoo. Clearly, I am not Belle. He likes me because he thought I'm Ysabelle.

Nagsimula na kaming maglakad sa gitna. Dahan-dahan...

Wise men say

Only fools rush in

To Your World [ Completed:2017 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon