Chapter 1

14.6K 525 227
                                    


"Anak natulog ka ba?" Ani mommy pagkababa ko patungo sa kusina, katatapos ko lang maligo at nakapagbihis na ako ng white school uniform ko, in-open ko ang camera ng phone ko at tsaka tiningnan ko ang sarili ko mula roon. Totoong mukhang wala akong tulog, dumoble ata ang eyebags ko nang dahil sa nangyari sa akin kagabi.

Pinilit kong paniwalain ang sarili ko na hindi iyon totoo pero nang i-check ko ang wattpad account ko ay totoo nga ito, wala na akong magagawa pa. Ang unang tagpo ng kwentong sinusulat ko ay nangyari na, ako sa katauhan ni Ysabelle. Mababaliw na ata ako. "Anong oras ka ba natulog? Baka nagpupuyat ka na naman sa wattpad-wattpad na yan ah? Sinabi ko sa'yong tigil-tigilan mo ang pagpupuyat kung hindi naman related sa acads." Sermon ni mommy umagang-umaga.

"Tama na yan 'mmy." Ani daddy kay mommy. I mouthed thank you kay daddy. It's pretty obvious that I'm a daddy's girl. Hinalikan ni daddy si mommy sa pisngi, walang nagbago sa sweetness nila sa isa't-isa.

Sana balang araw makahanap din ako ng tulad ni daddy. Ang swerte kasi talaga nila sa isa't-isa ni mommy.

"Good morning dad! Good morning 'mmy" Si Zelina na mas bata kong kapatid ay bumaba habang inaayos ang lanyard ng ID niya, she's a grade 12 ABM student. Agad siyang umupo sa dining table at pinapak agad ang tocino. Napagalitan tuloy siya ni mommy.

"Bakit hindi mo sinamang bumaba si Zemina?" Pagtutukoy ni mommy sa bunso naming kapatid na 6 years old pa lamang. Umakyat si mommy para i-check ang bunso kong kapatid. Habang ako naman ay hindi pa rin mapakali sa sunod-sunod na notifications na natatanggap ko mula sa wattpad.

"Miss kelan po ang update?"

"Otor! Paki-update na po please!"

"Di na po ako makapaghintay"

Kaba ang nararamdaman ko sa tuwing mababasa ko ang ganitong komento, pakiramdam ko ay may hindi na naman magandang mangyayari. "Nakatulala ka riyan..." Nagtatakang tumingin si mommy sa akin, nagpahatid ako sa kanya, dahil alam kong male-late ako kung magco-commute pa ako. Tumingin ako sa traffic lights, para akong nililitis dahil sa kulay red na ilaw trapiko, may hindi ako maipaliwanag, bakit parang ang bagal ng oras?

"Mom, would you believe if I experienced for real..."Natigilan ako sandali nang marealize kong...hindi na si mommy ang katabi ko. It was Ysabelle's driver, si Mang Rigor! "Mang Rigor!" Pati siya ay nagulat din nang makita ako sa passenger's seat.

"Ma'am Belle, bakit hindi po kayo sa backseat sumakay?" Napalingon ako sa backseat na walang tao, there's no trace of my mom! Nasaang mundo na naman ako?

"Dito na lang po Mang Rigor. Tayo na po at baka ma-late ako." Pinaglaruan ko ang daliri ko habang nasa byahe, hindi talaga ako mapakali, paanong napunta ako rito na umagang-umaga at...hindi ako natulog, gising na gising ang diwa ko nang makarating ako rito.

One thing's for sure. It will keep on happening no matter what time of the day is. Wala na akong kawala. I must discover new things, kailangang malaman ko ang rason sa likod ng mga nangyayari ngayon sa akin. I never wrote any fantasy stories, and here I am experiencing a real-life fantasy!

"Nandito na po tayo Ma'am..." Nagpasalamat ako kay Mang Rigor at tinungo ko na ang daan papuntang eskwelahan, mabuti na lamang at familiar ako sa pasikot-sikot ng pinapasukang school ni Ysabelle dahil, binase ko ito school ko noong high school ako.

"Uy nerd! Ang pangit mo!" And this is where chapter 2 truly begins. Nakatanggap ako ng mga mapangmatang tingin, at kahit hindi ako si Ysabelle ay ramdam ko ang kirot sa puso niya nang may mambato sa akin ng kamatis at kung ano-ano pa.

Kumalat ang juices ng kamatis sa puti kong uniform. "Bakit ka pa ba pumapasok? Hindi namin kailangan ng pangit na tulad mo rito."

"Oh my God. It's an elite school, why are they allowing pet here?" Maarteng sabi ni Checarah, kung hindi ako nagkakamali, ito ang unang line niya sa kwento. Ang tatlong mean girls ay nasa harapan ko ngayon! Inayos ko ang salamin ko. Damn it! Hindi ako makapagsalita, pakiramdam ko ay nauubusan ako ng sasabihin.

To Your World [ Completed:2017 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon