Chapter 14

4.8K 241 201
                                    

"You've been spacing out. Kanina ka pa ganyan." Hinawakan ako ni Steele sa magkabilang balikat at maging ang pagharap ko sa kanya any naging dahan-dahan din. Pilit akong ngumiti sa kanya subalit hindi nito maitatago ang pag-aalala sa akin.

Hindi ko na naisip na ang posibleng nasa likod ng C.O. na yun ay siya. Hindi ko naisip na pwedeng ganito ang maging kalabasan ng kwento. Umiling ako at pilit nag-isip ng panibagong topic. "Steele, tuwing makakabalik ako sa mundo ko..." Tama lamang siguro na buksan ko ang ganitong topic sa kanya. "Nakakalimutan ko ang lahat ng tungkol dito." Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata.

"It was early morning. That time, malalaman mo kung sino ang killer." Napakunot ako ng noo. "Alam kong malapit na, the face of the killer keeps on unblurring every time I'll dream about him." Aniya. Parang kinapos na naman ako sa hangin. May tila namumuo sa bandang sikmura ko at hindi ko talaga ito maipaliwanag pa.

Natigilan kami pareho nang marinig namin ang kalabog sa kung saan. "May nakikinig sa atin." Aniya. Mas lalo lamang akong kinabahan. Sabay pa kaming tumayo at marahan niya akong tinulak papunta sa likuran niya. "Just stay behind me." Marahan at mahinahon niyang sabi sa akin.

Dahan-dahan naming nilakad ang daan patungo sa pinagmulan ng kalabog. Medyo natitigilan pa nga kami. At tuluyan na kaming napatigil nang sa kaunting hakbang ay mas lalong nanaig ang lakas ng kalabog, tila sinadya ang bagay na iyon.

My breathing became uneven. My lips shivered. I tried to bite my lips, but it won't help. Napatingin sa akin si Steele habang kagat ko pa rin ang ibabang labi ko. Tumitig siya sa mga mata ko. He smiled dearly to me. Nawala lahat ng takot sa dibdib ko, maging ang pangamba ko. This is what it feels like...to fall in love to someone even though you could be a million miles away from him.

"Listen Zerina, I love you in all possible ways. Mahal kita kahit kalimutan ako ng isip mo...I will stay in your heart no matter what." He said before we heard that loud gunshot. His smile faded, napalitan ito ng tila sakit, pabagsak siyang yumakap sa akin.

Sa likod niya ay ang killer. I saw blood spilled from Steele's back.

Samantalang ang killer ay dahan-dahan nitong hinayaang mahulog ang maskara sa kanyang mukha. Tila naubusan ako ng dugo at hangin sa katawan. Namilog ang mga mata ko, kasabay nito ang pag-ikot ng mundo ko.

To be continued... three words appeared on air.

"No! No! No! Steele!" Kitang-kita ko kung paanong unti-unting naglalaho ang bagay sa paligid ko habang patuloy ito sa pag-ikot, kasabay nito ang pagbagsak ni Steele sa lupa, inaabot niya akong pilit subalit mas lalo lamang bumibilis ang pag-ikot.

Unti-unti nabubura ang mga puno, ang mga bulaklak...maging ang imahe ng killer ay nawawala na sa paningin ko. Nakatitig lamang ito sa akin. Pilit kong gustong bigkasin ang pangalan niya pero hindi ko magawa. Nawawalan ako ng lakas, tila inuubos ako kahit ubos na ubos na ako.

Bakit sa lahat ng pwedeng pumatay ay ikaw pa? Bakit sa lahat ng characters na binuo ko ay naging ikaw? Maging ang nagpupumilit na abutin ako ay unti-unti nang naglalaho sa paningin ko. "Steele! Mahal kita! Mahal na mahal kita! Steele naman! Lumaban ka kahit wala ako sa tabi mo..."

The rain falls. The rain stops from falling. The flowers bloom. The flowers withered. The sun rises. The sun sets. There was light and then there was darkness. I cannot longer see anything.

I woke up with a heavy feeling. God. Ang sakit ng ulo ko. Dumiretso ako sa banyo at tsaka napatingin sa salamin na nasa may sink. Napakunot ako ng noo. "Did I cry last night?" Tanong ko sa sarili ko.

"Bulaga!"

"Zelina ano ba!" Hindi ko naiwasan ang pagkairita ko sa kapatid ko nang bigla siyang sumulpot sa likuran ko. Lalo pa ngayon na tila binibiyak ang ulo ko. "Argh." Reklamo ko, migraine pa nga ata. Marahan kong minasahe ito para sana bahagyang mawala ang sakit.

To Your World [ Completed:2017 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon