Chapter 5

8.3K 503 278
                                    

I never really look at the moon since that ends everything. But with all the stars at the night sky, I'd like to watch the moon with you. Not beside me but in two different worlds. Let's look at the same moon, at different view...at the same time but different place. Coz I realize we will never walk the same place, together.

Napabuntong hininga na lamang ako sa naisip ko, ano ba itong nangyayari sa akin. Why am I suddenly feeling this? Oh please Riri! He's just a fictional character you created. You can't fall for him just like how Belle did. And you're not Belle to begin with.

When realization hits you hard.

The next day, my friends, blockmates are so excited for the upcoming recollection. It's a break from our toxic life of being a third-year pre-med student. We will get to know each other more and we will get to reflect from all the things we are experiencing.

"Nawawala ko ata yung booklet last year na ginamit sa recollection." Ani Joanne habang nasa 7/11 kaming apat. Napaisip ako kung naiwala ko ba yung sa akin, pero mukhang hindi naman. "Ay joke! Nasa drawer ko lang yun for sure."

"Kailangan pa ba yun?" Si Marie habang kumakain ng tuna sandwich.

"Hindi raw makaka-graduate kapag naiwala raw yun eh. Kaya syempre itatago nga yun ng mga estudyante." Si Sharida naman na nag-angat ng tingin sa akin. Naririnig ko ang usapan nila pero tila nilipad kung saan ang isipan ko.

"Uy Riri!" Si Joanne na bigla na lamang nanggulat ay muntik ko nang matapunan ng kape na hawak-hawak ko. Napabuntong hininga ako at humingi ng sorry sa kanila. "Kanina ka pa tulala riyan. Hindi lang pala kanina. You seem so off the past few days." I know, I noticed it myself too. Pero wala eh, how can I actually think straight?

I'm failing... I don't know why I am feeling emotions I've never felt before...

"Sorry...sorry... may iniisip lang ako." Ani ko sa kanila. They patted my shoulders at ngumiti naman ako sa kanila.

That night I fixed all the things I needed for the recollection. Natigilan ako sa pag-aayos nang makita ko ang notebook sa may luggage ko. My heart skipped a beat. Tila unti-unti na ring naninikip ang dibdib ko. Pamilyar na ako sa pakiramdam na 'to, pero umaasa ako na sana mali ang kutob ko.

"Anak, may kailangan ka pa?" Sumilip si mommy sa nakabukas na pinto ng kwarto ko. Umiling ako tsaka ngumiti sa kanya. Sa tabi niya ay si Zemina may hawak na happy meal, siguro nakauwi na si daddy.

"Okay na 'mmy. Sa Wednesday daw po ang uwi namin, 2 PM po." Ani ko kay mommy at tsaka inabot sa kanya ang waiver na kailangang ipapirma sa magulang.

"Sa Tagaytay pala kayo this year." Tumango ako.

"Opo, sa orphanage po yan. We'll get to be with the kids po." Pumirma si mommy sa waiver tsaka niya ito binalik sa akin.

"Ate pasalubong po. Tart po." Ito talagang si Zemina ay hindi makakalimot sa mga ganitong bagay, natawa na lamang ako.

Maaga akong nagising para makapag-ayos na rin ng sarili ko. Nakailang set din ako ng alarms, 5 set of alarm. Sa pang-lima lang ako tuluyang bumangon, ang hirap talaga minsang maging productive kapag hinihila ka ng kama mo pabalik.

Nang matapos akong maligo ay agad din akong nagbihis ng college shirt at maong pants. Nag-check muna ako ng notifications sa wattpad. I was about to log it out kaso hindi ko na rin ito ma-log out sa phone ko. Mas lalo akong kinabahan nang paulit-ulit bumaha na naman ng mga comment.

"Updateeeeee"

"Sana araw-araw ang update"

"Otor, please naman, paki-update na po"

To Your World [ Completed:2017 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon