Epilogue

8.5K 397 303
                                    

Pinagsalikop ko ang mga kamay ko. Labis-labis na lamang ang kabang nararamdaman ko. Naka-cap and mask ako habang papasok ng mall. Sa hindi kalayuan ay nakikita ko na ang uupuan ko mamaya. Hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari pero bahala na.

Sa una ay kaunti palang ang mga tao, hanggang sa dumami sila at mapuno ang buong venue. Napahawak ako sa aking dibdib, hindi ko inasahan na ganito karami ang dadalo. "In ten minutes, get ready Riri." Ngumiti ako sa head ng publishing company. The Fall of a Nerd, 4 years ago, I signed a contract publishing my story, after five years, this is the first time I'm going to sign a book.

Rinig na rinig ko ang sigawan nilang lahat.

"We love you ate Riri!"

"Akin na lang po si Steele!"

Halos ganyan ang sinisigaw nilang lahat. Tinanggal ko ang cap na suot ko, at pati ang mask ko. I believe they were shock of what I did. Natahimik silang lahat sa ginawa ko. I smiled at them. "Oh my gosh! Ang ganda mo po!" Nahihiya pa akong tumingin sa kanila. Although I get to praise most of the time, hindi pa rin ako sanay sa ganito karaming tao, hindi ko nga inaasahang may pupunta.

Nagkaroon sila ng chance na magtanong sa akin bago simulan ang book signing. "What inspired you to write this story of yours po?" A girl, around 14 years old asked me. She smiled at me and I did the same. Inayos ko muna ang buhok ko bago sagutin ang tanong niya.

"Someone who once existed in my life." Natigilan ang ilan. "Someone who always had a special place in my heart...someone who belongs into my heart and mind...as well as my world." I smiled at them, I hope I answered her question.

"Is he your first love po?" A male reader asked from the back. Humugot ako ng malalim na paghinga. Pumikit nang mariin at inalala ang mga panahong magkasama kaming dalawa. Nang imulat ko ang mga mata ko, ay nakita ko ang pares ng mga mata niya. Imahinasyon na naman.

"He is. My first love and greatest love." Simpleng sagot ko sa kanya.

"Oh my gash! Kaya pala. Damang-dama ko eh." Sabi ng isang dalaga na nasa unahan. Napangiti na lamang ako.

"Bakit niyo po ito sinulat?" Bakit nga ba? Para hindi ko makalimutan sa buong buhay ko na may dumating na tulad niya, may minahal ako na tulad niya...na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya, hindi nagbago o nabawasan man lang.

"Para maiparating sa kanya ang mga salitang hindi ko pa nasasabi sa kanya sa pamamagitan ng pagsusulat." Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. "Para hindi siya makalimutan ng puso at isipan ko...para may babalik-balikan ako sa tuwing nami-miss ko siya." Ngumiti lang ulit ako pagkatapos.

"Ano pong advice niyo sa gusto ring magsulat?" A lady around 19 years old asked me, I can see myself from her years ago. Nung nineteen pa ako.

"Write because you want to, not because they want you to. Never aspire for fame, write for yourself...to express yourself, write with a heart and let others be inspired by you." May ilang pumalakpak sa naging sagot ko at nagpasalamat ako sa kanila.

"Ate bakit ngayon ka lang po nagpa-book sign?"

"I was in California for five years. I went to finish my studies there. As much as I wanted to go back soon, it seems like, it wasn't meant yet before. I actually didn't expect this. Hindi ko alam na may tumatangkilik pa pala ng akda ko. Nakakatuwa na nandiyan pa rin kayo makalipas ang ilang taon na naging inactive ako." Sandali akong natigilan nang sa di kalayuan ay may pamilyar na mukha akong nakita.

Wala sa sariling tumayo ako at bumaba ng stage. May mga tumawag sa akin pero hindi ko sila halos marinig, tila tumigil ang galaw ng mundo ko, at tanging ang paghakbang ko lamang ang nararamdaman ko ngayon. Pabigat ito nang pabigat kasabay nang pabilis na pabilis na pagtibok ng puso ko.

To Your World [ Completed:2017 ]Where stories live. Discover now