xxxi

73 2 4
                                    

CHAPTER THIRTY ONE

~~

The hearing went well, I was able to stay in one room with Blanc without having any conflicts or whatsoever. Meron pa kaming tatlong session bago nila irelease ang decision pero for this time, mukhang malakas naman ang laban naming and though I don't want Jill to lose her license for being a nurse, mukhang isa yun sa mga consequence ng ginawa niya.

Sinunod naman ni Blanc ang gusto kong mangyari, he avoided me at all cost pero hindi mo pa rin talaga maiiwasan na nagkakahulihan kami ng tingin every once in a while. 

After nung hearing ay dumerecho na kami sa wake ni Choco. Hindi ko talaga kayang tignan yung itsura ng bestfriend ko sa loob ng casket as in kahit anong pilit nila never kong tinignan yon. 

"Mongs, nandito na yung result nung autopsy." Kuya called me, I was able to take a nap pero hindi pa rin ako fully rested. Marami pa ring tumatakbo sa utak ko at hindi ko na mapigilan pang gumana ito.

Mabilis din naman akong sumunod sa kuya ko. Stood in front of us and Mint's family is a average sized balding guy na pormal na pormal ang porma, on his left hand an envelope that I think encloses the results.

"First of all, my sincerest condolences." Panimula nung lalake. "I'm Javier Flores, head of Victorious Laboratory." Dugtong niya pa. "Based on the autopsy reports, Mr. Tiangco died because of respiratory arrest. Due to the fact that he had extreme values of narcotics and  opioids in his blood stream. Upon investigating the history of the deceased, he was having difficulties in sleeping due to intense pain brought about by stress and anxiety." Pagexplain kagad nung lalake. "In medical terms it is called fibromyalgia." Halos nakatingin lang kaming lahat sa lalakeng nagsasalita sa harapan, hindi mag-sink in na nag-struggle si Choco sa ganitong klaseng sakit. He always looked so happy, like he doesn't have any care in the world. 

Pero sabi nga nila, the people who smile the most might have the deepest darkest secrets. Hindi lang talaga kami alert sa mga cues dahil masyado kaming caught up sa mga petty issues sa sarili namin samantalang yung kaibigan ko pala ay mas may iniindang sakit. We are all guilty of what happened, pantay pantay lang ang kasalanan naming lahat.

"Here is the official result." Iniabot kay tita yung envelope na kanina pa hawak ni Mr. Flores.

Tahimik lang kami lahat hanggang makaalis na si Mr. Flores. Alam mong lahat ay malalim ang iniisip. Hindi namin inintindi si Choco, hindi man lang namin naisipan na kamustahin siya kapag straight hours ang duty niya sa ospital. Hindi man lang namin siya nagawang tawagan kapag aalis kami, inassume namin na parati niyang kailangan ng pahinga. Choco must have felt left out, unloved and not important kaya mas sinubsob niya na lang ang sarili sa trabaho.

Alam ko sa umpisa ay ayokong tignan si Choco sa casket but after what I've learned, I tried to muster up the courage to check his face for the last time. My friend looked peacefully resting, I gave him my silent apologies, and kissed his face through the mirror. 

After ko ay merong tatlong tao ang nasa likod ko, hindi sila familiar sa akin pero mukhang kilala sila ni Mint dahil mabilis na lumapit yung kaibigan ko sa kanila. "Therese." Tawag ni Mint dun sa babaeng pinapagitnaan ng dalawang lalake.

"Mint." Nagbeso ang dalawa at nagyakap ng mahigpit. Tumingin naman sa akin si Mint bago ako nagsmile sa tatlo at nag-give way para matignan nila si Choco.

Umupo na lang ulit ako sa tabi ni kuya at sinisipat na lang muna sa malayo ang kabaong ng kaibigan ko, hindi lang naman kasi ako ang tao na gusto siyang makita. After nung tatlo ay ipinalapit sila ni Mint sa akin.

Purro: Your not so Ordinary Love StoryWhere stories live. Discover now