Thirty

91 3 1
                                    

A/N: Alam niyo na kung bakit hindi roman numerals ang ginamit ko, medyo hindi kasi maganda basahin. Baka I-ban ako dito. ~lmfao

CHAPTER THIRTY
~🔹~

Isang linggo na din ako dito sa Perth at wala na akong ibang maramdaman kung hindi ang maburyo. Gusto kong umarte na turista pero kapag iniisip ko yung mga bagay na iniwan ko sa Pilipinas, hindi ko talaga totally maenjoy ang pagssight seeing.

Nilibot ko na halos lahat ng restaurant within the vicinity just to make myself busy and learn a new set of recipe pero parang walang pumapasok na knowledge sa utak ko.

A few people that I can talk to on a day-to-day basis were my family and the twins. Sila lang naman kasi ang medyo memorize ko yung phone numbers, the rest is zero.

I tried to stay away from social media as well for the meantime kasi kahit hindi ko man aaminin, traumatized din ako sa nangyari. I'm just trying to be strong but I am not.

"One risotto for the lovely maiden." One voice pulled me out of my trance. The great thing I love about Australians are their accent. Exquisite eh pero parang ang sarap pakinggan sa tenga. Medyo mahirap intindihin sa umpisa pero nakakatuwa.

"I haven't ordered yet." Nagtataka kong sabi sa lalaking nagsalita sa tabi ko.

The guy looks like he is somewhat having a Filipino gene but he's more on the Australian features. His skin is more on the caucasian part, his nose is small but pointed, full lips, angled jawline, yung eyes niya parang singkitin pero bilugan, alam mo yung perfect shape ng mata tapos light brown pa and he has tiny loose hair curls showing off beneath his chef hat. In short, para akong nakatingin sa anghel.

"You were staring at the menu for half an hour already." He smirked the pointed the menu with his perfectly shaped eyebrow. Hindi ko alam na meron palang ka-level ang kaguapuhan ni Blanc sa ibang lupalop ng mundo. Kung alam ko lang talaga.

"I'm thinking about what to get." Pagpapalusot ko pa kahit sa totoo lang, hindi ko naman talaga binabasa yung menu. Nakatulala lang talaga ako kanina.

"You were staring right through it." He smiled at me. Shet medyo kinilig yung bituka ko.

"Yeah, sorry. Thanks for this though. You can give me the bill now, I won't stay long." Pag-ooffer ko pa. Inabot niya sa akin yung cutleries kaya medyo lumabas from the folded sleeves of his uniform - arm tattooes. If he couldn't get anymore ideal.

"It's on the house. Don't worry about it, just come back tomorrow for breakfast and it'll be fine." Offer niya sa akin. Sarap irecord ng boses niya para mapakinggan ko paulit-ulit hanggang sa makauwi na ako sa Pilipinas. Sarap ilagay sa Sleep Playlist eh.

"I will, definitely." Hindi ko na napigilang ngumiti, feeling ko nga mapupunit na yung labi ko sa sobrang nakalabas na lahat ng ngipin ko.

"If I'm not here, just look for my wife over there." Bumagsak bigla ang puso ko sa lupa nung marinig ko yung wife. Jusko, bakit? Kung hindi naman pala siya para sa akin, sana hindi niyo na binuhay. Joke lang po.

Kumaway sa akin ang isang babae na akala mo kasama sa squad ni Taylor Swift sa sobrang goals. Nahiya bigla yung katawan ko sa kanya. Parang gusto kong ipakulo na yung buong sarili ko sa isang malaking kaldero.

Purro: Your not so Ordinary Love StoryWhere stories live. Discover now