xx

82 3 0
                                    

CHAPTER TWENTY

~♦~

Kasalukuyang nakatulala ang kagandahang taglay ko sa lalaking nagsasalita sa aking harapan. Naging close ba kami ni Cole sa isang episode sa buhay kong hindi ko naman talaga pinagdaanan? Pambihira naman talaga sila Chronos, sabi nila wala naman masyadong bagong nangyari sa buhay ko pero bakit nandito si Cole at kinakausap ako? The last time na nagkita kami was way before me and Blanc traveled back to the past, inasar pa nga ako nitong hunghang na lalaking ito di ba? He offended me for my weight tapos ngayon kung makapagkwentuhan akala mo super close namin. 

"I was planning to visit you nung nasa hospital ka pa kaso very private ang family mo. Nakakakuha na lang ako ng balita sa common friends natin." May pa-light punch pa siya sa braso ko, like whuuuttt?  "Kamusta ka naman?" Tanong niya sa akin, napakamot ako sa noo kasi sobrang awkward talaga.

"Okay naman na, may mga episodes lang na wala akong matandaan anything from two years ago pero nakapag-resume na naman ako sa normal life ko these past few weeks." Pagsagot ko pa rin sa tanong niya. Malay ko ba naman kung naging close talaga kami? Common friends nga daw di ba?

"That's great to hear. Tsaka oo nga pala kahit na medyo two years late na may gusto sana akong sabihin sa'yo." Bigla akong kinabahan sa sinabi niya? Meron pa ba akong ex na hindi ko alam? Jusko kahit sarili kong story, misteryo pa din sa akin.

"Ha? Ano yun?" Mabilis na ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba. 

"Thank you so much for helping me out before you left Libertine. Tama nga sabi nila sa akin, makinig lang ako sa'yo then everything will be settled." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Cole. Akala ko kasi kung ano na ang meron, ngayon sasakyan ko na lang yung sinabi niya kasi alam niyo na... WALA AKONG CHOICE.

"Ah yun ba? Wala yun, I'm just doing what I'm meant to do." Pagsagot ko sa kanya kasi as far as my knowledge is concerned, marketing supervisor pa din naman ako sa Libertine before I got into an "accident" 

"Kaya nga we supported you when you resigned though alam naming malaking kawalan sa company but politics is very well played don sa atin, I'm planning to render mine next week as well." Pag-sshare ni Cole. naiilang ako pero ayokong ipahalata kasi obvious naman sa mga kilos niya na naging  close talaga kami at siya lang talaga ang nakakaalala.

"Hindi na talaga nagbago." Dugtong ko pa, halos lahat naman sigurong company hindi mawawala yang ganyang issue. Kaya minsan nakaka-stress sa corporate world, though mabilis ang promotion mo, kapag may nakalaban ka namang mas malakas sa'yo, wasak pa din ang pangarap mo.

"Sinabi mo pa." After that short comment, naging library na ang paligid namin ni Cole. As in tahimik, parang may dumaang ang-

"Cole." Anghel. Speaking of angel, yung lalaking muntikan ko nang iyakan sa coffee shop kanina dahil hindi niya ako tinignan ay nasa harapan ko na din ngayon katabi ni Cole. "I was looking for you." Dugtong niya pa, ni minsan hindi niya ako nilingon kahit na obvious namang sa akin nakatingin ang kaibigan niya.

"Sorry bro, I bumped into my former superior." Sagot ni Cole kay Blanc while gesturing his palm towards me. This time, humarap sa akin si Blanc then scanned my face for the briefest time without any interest, para bang isa lang ako sa mga tinitinda sa Divisoria.

"Alright, I'll just wait for you in the car. Be quick, I have an appointment at 1." Seryosong sabi ni Blanc. Bumalik na naman siya sa pagka-flat affect niya. Tss.

Purro: Your not so Ordinary Love StoryOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz