xv

136 4 1
                                    

CHAPTER FIFTEEN
~♦~

Blanc's words are still echoing inside my head up until lunch is over. Hindi ko mai-share pa muna sa mga kaibigan ko kasi it's nothing big. Buti na lang tahimik talaga ako most of the time na kasama ko sila so they didn't ask what's wrong.

"Bumalik ka na ba kay doc Jason?" Blanc asked me. Danielle and Jao are reading some parts of Noli Me Tangere in front of the class. Punishment for not being able to finish their projects on time.

"Next week pa." I'm trying to draw a whale but nagmumukha itong tuna. Tuna in can.

"Samahan kita?" Tanong niya ulit. He pulled the paper out of my grasp then he started sketching. Panira ng trip.

"Baka si kuya na lang or sila nanay. Hindi mo na ako kailangan samahan baka may aasikasuhin ka pa sa company or something." Recently ko lang kasi nalaman na dumadaan muna sila ni Georgina sa company to check things bago umuwi.

"I'll make one day available for you." Hindi ako nakapag-respond agad kasi sobrang galing ng pagkakasketch ni Blanc kay Nemo. Hindi pa siya kumpleto pero yung silhouette tsaka base nung drawing ang galing na agad. Ano bang hindi kayang gawin nito? Ah, ang mahalin ako pabalik. Shemay.

"Kelan check-up mo?" He asked without removing his eyes from the paper.

"Magpapatest ka muna ulit ng hormone level di ba?" Tanong niya ulit nung hindi ako sumagot. I was drawn by the skills of his hand. Ang daya ng papel at lapis, bakit si Blanc nagustuhan nila? Ako hindi? Dahil ba mabigat ang kamay ko?

"Meron ka pa bang gamot?" He asked me again, this time tumigil na siya sa pag-ssketch at inangat na ang ulo niya to look at me.

"Am I talking to a wall?" He snorted when he saw me staring blankly at the paper.

"Why do you have to be so good in everything?" I mumbled while still in awe to the beauty of Nemo.

"In love ka na naman sa akin?" He joked. Hindi ako sumagot. I believe silence intensifies the feeling of uncertainty. Ayokong sagutin siya ng oo or hindi kasi that would surely change things.

"Ikaw, kelan ka babalik para diyan sa kamay mo?" I changed the topic and switched it to his arm still on a sling.

"I'll go later. You want to come?" He resumed drawing, distraction successful.

"Hindi na, nandiyan naman si Gorj." I replied, binalik ko na ulit yung tingin sa drawing niya.

Purro: Your not so Ordinary Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon