ii

157 5 0
                                    

CHAPTER TWO
~ ♦ ~

Mabilis akong pumasok sa loob ng Aubergine, agad naman akong in-assist nung isang waiter. Anong akala niya? Kakain ako dito?

Aba, hindi siya nagkakamali.

Imbis na unahin ko ang paghahanap sa kalaban naming marketing specialist sa loob ng restaurant ay tumingin muna ako sa menu at umorder ng isang set ng meal. Oo, chef's special ang inorder ko para kahit bigo ako sa mission ay masaya naman ang sikmura ko.

I immediately scanned the place after satisfying my eyes with the restaurant's drool worthy menu. Hindi naman ako binigo ng mga mata ko at nakita ko kagad si Miss Nica doon sa may bar at may kausap na dalawang lalaking naka-business attire.

Hindi ko malaman kung sino dun sa dalawa ang kliyente ni Mr. Robbie.

Mabilis kong tinawag yung waiter na nag-assist sa akin kanina at sinabing gusto kong lumipat ng table. Itinuro ko naman kagad yung table na mas malapit kila Miss Nica.

Ilang beses ko nang nakikita itong marketing head ng Lucyd's dahil palagi siyang umaattend ng mga convention. I know her but she doesn't know me dahil siyempre hindi naman ako pinapakilalang employee ng Libertine's everytime na may convention. Yun lang ang advantage ni Mr. Robbie kaya palaging ako ang ipinapa-spy niya sa mga kliyente - because they don't know me personally.

I walked pass through their table and sat behind Miss Nica para rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila. Mamaya ko na lang sisilipin yung mukha nung mga kliyente kapag naka-timing ako.

"What would you offer? One company offered us additional units of computers for free if we choose them." Pagdidisclose nung lalaking kausap ni Miss Nica, may pagkahusky at baritone ang boses nito. Sexy would probably be the right term for it, irritably sexy.

"Would they offer free technical services for the span of your contract?" Medyo may edge at may pagkamayabang ang pag-offer ni Nica. In fairness naman kasi talaga sa kanya, magaling talaga siya mag-market dahil una, mautak at madiskarte, pangalawa, she has this beauty and body to die for kaya kapag lalaki ang kliyente ay lamang kagad siya at pangatlo, she's very competitive and ambitious. Kaya nga kumabit yan sa may-ari ng Lucyd's para doon and that's not a rumor, it's true at kalat na iyon.

"You see, if you choose us, we offer free delivery for the units, free technical services and an instant 30% rebate upon inking the contract." Pagpapatuloy ni Nica. Wala, halimaw talaga sila mamirata ng kliyente. Forty percent of their clients were obtained through piracy kaya naman kahit number one sila sa business ay marami naman silang kaaway.

"That's too much." Matipid na sabi nung lalaking nagsalita kanina, if I am not mistaken medyo nag-aalangan ang tono niya, parang may hinahanap pa siyang hindi pa binibigay.

"Nothing's too much with Lucyd, Mr. Blanc. We offer our clients the best we have because you deserve it." Pambobola pa ni Nica.

"I've heard that the quality of your service is mediocre." Derechong sabi nung lalaki, halos maibuga ko yung water na ininom ko dahil natawa ako sa pagka-prangka nung kausap ni Nica.

"Sir, we wouldn't be first if that's true."

Tumahimik ang pag-uusap sa kabilang table kasabay ng pag-serve nung soup at appetizers ko. Pambihira, galing makalusot nitong babaeng 'to. I must take notes para maiapply ko ang technique niya sa pakikipagusap sa kliyente.

"How long have you been in the industry?" Ibang boses ng lalaki ang nagsalita, malalim ito pero calming.

"Three years, sir." Magalang na sagot ni Nica.

Purro: Your not so Ordinary Love StoryWhere stories live. Discover now