xxvii

91 4 1
                                    

CHAPTER TWENTY SEVEN

~♦~

Limang beses lang kaming nagusap ni Blanc sa loob ng isang buwan.

Oo minsan lang kasi  hindi naman magtugma ang oras namin at  yung limang beses na yun, sobrang ikli lang. Magtatanong lang siya ng kamusta ako, magkkwento lang siya saglit ng kung ano ang nangyari sa araw niya tapos magpapaalam na kagad siya kasi may mga pasyenteng kailangan siya.

Ako din naman ay wala na ring time para kausapin siya kasi nangyari na ang kasalang Georgina at Bryon. Sobrang engrande nung kasalan ma-eenganyo ka ding magpakasal agad agad.

Sinong mag-aakala na hindi pala si Blanc ang makakatuluyan ni Georgina di ba? Bitter bitteran pa ang peg ko nung una pero sobrang asikaso na ako sa kanya nung bandang huli na. Napakaimpokrita ko no? Pero masisisi niyo ba ako kung bitter ako nung una?

 Isang rason din kung bakit hindi na din kami masyado nag-usap ng todo ni Blanc is wala na yung dahilan kung bakit kami nagkikita sa ospital, nakalabas na si Tommy at kasalukuyang nagpapalakas na lang sa bahay nila.

Oo aaminin ko namimiss ko si Blanc at saka minsan hindi ko rin mawiasan na mainip sa oras para pumunta na siya sa akin pero choice ko naman 'to, ano pa ba ang inaarte ko?

"Sage, we need one more chef outside. Hindi daw makakapasok si Hannah." Sabi ni Mint sa akin, kasalukuyan kasing nakahilata lang ako sa couch ng opisina at naglalaro ng Beat EVO YG kahit hindi ko naman maintindihan yung mga kanta. Ganda kasi, parang Tap Tap Revenge lang.

"Marami bang customer?" Tanong ko sa kanya pabalik, tinatamad kasi akong kumilos ngayong araw kasi malapit na ako datnan ng aking buwanang bleeding love.

"Hindi kita sasabihan kung kaya nila sa labas." Seryosong sabi ni Mint sa akin. Mukhang mainit din ang  ulo ng isang ito, baka nag-away na naman sila ni kuya.

"Okay, chill. Magbibihis na nga oh." Pinagbigyan ko na lang kaagad siya kasi ayoko na ding makadagdag sa mga stress na iniisip niya sa buhay.

Mahirap maging manager ng restaurant sa totoo lang. Iba ang workload ni MInt kesa sa akin, ako kasi minsan patambay tambay lang at magttrabaho lang ako kung gusto ko or sobrang dami na ng ginagawa niya na malapit na siyang umiyak. Kaya naman iniintindi ko na lang din kapag may mga times na sinusungitan niya ako, huwag lang aabuso.

"Sorry friend, bigla kasing nagbigay ng resignation letter si Pia kaya maghahagilap na naman ako ng bagong chef na papalit sa kanya tapos isa pa 'tong si Mark, hindi man lang sinabi sa akin na isang linggo pala siya sa Malaysia." Paglalahad sa akin ni Mint ng problema niya.

"Hindi ko din alam na aalis si kuya tsaka wag ka mag-alala tutulungan kita maghanap ng kapalit ni  Pia." I gave her a side hug then squeezed her shoulder. "Aawayin ko na din si kuya para sayo." Ngumiti naman si Mint sa akin ng sandal before she lightly slapped my behind and told me to get dressed and help out in the kitchen.

Sa pasta area ako ngayon naka-toka kasi yun ang pwesto na binakante ni Hannah, sesermunan ko din yon bukas. May rule kasi kami na dapat 3 hours before her duty ay tumatawag siya sa amin para ma-inform naman kami.

"Chef!" Excited na Jacob sa akin, para siyang bata na biglang pinainom ng softdrinks after pagbawalan ng nanay niya.

 Hindi kasi magaling sa stressful environment si Jacob kaya hindi ko mapromote-promote na head chef eh.

"Jacob, ano ba naman yan. Ilan ba ang order ng pasta ngayon?" Panenermon ko kagad sa kanya, kasi kung nakaplano siya ng maayos, hindi ko na kailangan pang bumaba dito.

Purro: Your not so Ordinary Love StoryWhere stories live. Discover now